0




Ang mga single moms and dads na ito ay nagpatunay na kaya nilang palakihin ng tama ang kanilang mga anak kahit mahirap na tumayo bilang magulang lalo na kapag mag-isa ka lang. Talaga namang gagawin at kakayanin ng isang ama o ina ang lahat para mabigyan ng magandang buhay at mapabuti ang kanilang mga anak.


1. Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado
Si Jennylyn ay isa sa mga indemand na Kapuso star sa GMA network. Siya ay isang magaling na aktres, host at model. 

Tumatayo siya bilang mag-isang magulang sa kaniyang anak. Kuhang-kuha nga naman ang looks niya at ni Patrick Garcia ng kanilang anak na si Jazz. Bukod sa pagiging single mom ni Jennylyn, siya ay itinanghal bilang "2015's sexiest woman".


2. Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria
Mas nakilala ng publiko si Jodi simula noong maging leading lady siya ni Richard Yap sa teleseryeng "Be Careful With My Heart". Pagkatapos nito, naging sunod-sunod na ang proyektong natanggap niya.

Siya ang nagpalaki sa anak nila ng dati niyang asawang politician na si Panfilo Lacson Jr. Ang mag-inang sina Jodi at Thirdy ay naging cover ng April 2016 issue magazine ng "Working Mom".


3. Vina Morales
Vina Morales
Si Vina Morales at ang kaniyang dating partner na si Cedric Lee ay nagkaroon ng anak na babae na si Ceana. Talaga namang nakakahanga silang mag-ina dahil kasalukuyan silang nagrerecord ng kanta ng magkasama.


4. Denise Laurel
Denise Laurel
Madalas na gumaganap si Denise Laurel bilang kontrabida, ngunit ibang-iba ang role niya sa totoong buhay dahil isa siyang responsableng ina sa kaniyang anak na si Alejandro. 

Iniiwasan  ni Denise na mapag-usapan kung sino ang ama ni Alejandro at sinabi lamang niya na ito ay isang Italian-American na nakatira sa abroad.


5. Piolo Pascual
Piolo Pascual
Noong 2014, napatunayan ng DNA test result na anak nga ni Piolo si Iñigo Pascual. Sa itsura pa lamang ni Iñigo ay halata ng anak talaga siya ni Piolo dahil magkamukhang-magkamukha sila.

Katulad ng ama ni Iñigo siya ay isa sa mga pinagkakaguluhan ngayon ng mga kabataan dahil sa kaniyang galing sa pagkanta at itsura na nakakadagdag ng kilig factor sa mga manonood.


6. Sunshine Cruz
Sunshine Cruz
Dating mag-asawa sina Sunshine Cruz at Cesar Montano ngunit agad ring naghiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaan bilang mag-asawa. Noong maghiwalay silang dalawa, nanatili kay Sunshine ang tatlong anak nila ni Cesar na sina Angel, Samantha at Isabelle.


7. Marjorie Barretto
Marjorie Barretto
Tumayo bilang ina at ama sa kaniyang mga anak si Marjorie Barretto pagkatapos nilang maghiwalay ng aktor na si Dennis Padilla. 

Naging usap-usapan ang kaniyang anak na si Julia Barretto dahil sa hindi paggamit ng Padilla sa apelyido nito na hango sa kaniyang ama na si Dennis.


8. Phoemela Baranda
Phoemela Baranda
Noong 2015, ipinaalam na ni Phoemela sa publiko ang kaniyang pinakatatago at malaki niyang sekreto na isa na siyang ina. Ang kaniyang anak na si Kim ay lumaking maganda katulad niya.


9. Marvin Agustin
Marvin Agustin
Dinala ni Marvin ang kaniyang mga anak sa Netherlands upang mag-skiing at makapagbonding silang mag-aama. Ang kaniyang anak na sina Sebastian at Santiago ay mahilig rin sa mga outdoors activity tulad niya.


10. Ruffa Gutierrez
Ruffa Gutierrez
Kahit na pangit ang naging paraan ng paghihiwalay nina Ruffa at ng kaniyang dating asawa na si Yilmaz Bektas, pinalaki ni Ruffa ng mag-isa at mabuti ang kanilang anak na sina Lorin at Venice.


Narito ang VIDEO ng Mga Successful Single Parents sa Showbiz. Panoorin nyo po...



Ano pong masasabi nyo dito? May kilala pa ba kayong mga celebrities na katulad nila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Next
This is the most recent post.
Previous
Older Post

Post a Comment

 
Top