0




Maraming magandang artista ngayon ngunit hindi lahat sila ay nananatiling maganda kapag wala na silang makeup. 

Narito ang Top 10 sa pinaka-magagandang Pinay Teen Celebrities kahit walang MAKEUP:


Top 10 - Barbie Forteza
Barbie Forteza
Si Barbie Forteza ay ipinanganak noong July 31,1997 sa Biñan City, Laguna, Pilipinas. Siya ay isang sikat na artistang teenager sa Channel 7 GMA at kasabayan niyang sumikat sina Bea Binene, Derrick Monasterio at iba pa. Kinagigiliwan siya ng kanyang mga fans sa buong Pilipinas dahil sa galing niya sa pag-arte at nakatanggap na rin siya ng mga Golden Awards at iba pa.


Top 9 - Bea Binene
Bea Binene
Si Bea Binene ay ipinanganak noong November 4, 1997 sa Quezon City, Pilipinas. Siya ay isang artista sa nakilala bilang isa sa mga kalahok sa StarStruck Kids at ang role niya rito ay si Nathalie Dimaculangan at katambal niyang aktor rito ay si Jake Vargas at ang best friend niya ay si Barbie Forteza.


Top 8 - Jane Oineza
Jane Oineza
Si Elizabeth Jane Urbano Oineza, na mas kilala bilang Jane Oineza, ay ipinanganak noong July 22, 1996. Siya ay isang child star noon sa "Goin' Bulilit" at "Kung Fu Kids". Mas lalo siyang nakilala ng sumali siya sa "Pinoy Big Brother". Si Jane ay nakatanggap na rin ng recognition mula sa ibang bansa, nanalo siya bilang World's Best Actress at nagkaroon din siya ng International Emmy nomination para sa "Manika" noong 2012.


Top 7 - Alexa Ilacad
Alexa Ilacad
Si Alexandra Madarang Ilacad, na mas kilala bilang si Alexa Ilacad, ay isang child star noon sa "Goin' Bulilit" at una ring napanood sa mga commercials tulad ng Vaseline shampoo noong 2004-2005. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy TV sitcom na "Luv U" kung saan nakapareha niya si Nash Aguas bilang kanyang puppy love.


Top 6 - Janella Salvador
Janella Salvador
Si Janella Maxine Desiderio Salvador, na mas kilala bilang Janella Salvador, ay ipinanganak noong March 30, 1998. Siya ay isang mang-aawit, artista at modelo mula sa Pilipinas. Kilala si Janella sa pagganap bilang Nikki Grace Lim sa "Be Careful With My Heart" na palabas pantelebisyon ng ABS-CBN. Anak siya nina Juan Miguel Salvador at Jenine Desiderio na parehong mang-aawit.


Top 5 - Loisa Andalio
Loisa Andalio
Si Josefina Loisa Francisco Andalio, na mas kilala bilang Loisa Andalio, ay ipinanganak noong April 21, 1999 sa Parañaque City, Philippines. Siya ay isang actress, dancer at singer. Siya ay unang nakita sa telebisyon bilang housemate sa "Pinoy Big Brother" kung saan tinagurian siyang "Talented Darling ng Parañaque".


Top 4 - Bianca Umali
Bianca Umali
Si Maria Isadora Bianca Soler Umali, na mas kilala bilang Bianca Umali, ay ipinanganak noong March 2, 2000 sa Parañaque City, Philippines. Si Bianca ay isang actress, commercial model at dancer. Siya ay kasalukuyang contract artist ng GMA Network at GMA Artist Center. Siya ay kilala sa kanyang pagganap sa "Mga Basang Sisiw", "Mulawin vs Ravena", at "Wish I May".


Top 3 - Julia Barretto
Julia Barretto
Si Julia Francesca Barretto Baldivia, na mas kilala bilang Julia Barretto, ay ipinanganak noong March 10, 1997 sa Marikina City. Anak siya ng mga artistang sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Siya ay isang aktres, dancer at singer. Isa siya sa mga inaalagaang talento ng ABS-CBN at Star Magic.


Top 2 - Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo
Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo, na mas kilala bilang Kathryn Bernardo, ay ipinanganak noong March 26, 1996. Siya ay isang Pilipinang aktres, mang-aawit at mananayaw sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa role bilang Mara sa primetime Filipino drama na "Mara Clara".


Top 1 - Liza Soberano
Liza Soberano
Si Hope Elizabeth Hanley Soberano, na mas kilala sa pangalang Liza Soberano, ay ipinanganak noong January 4, 1998. Siya ay Pilipino-Amerikano na aktres at modelo. Siya ay kasapi ng Star Magic Circle 2013. Siya ay higit na nakilala sa kanyang pagganap bilang Agnes Calay sa teleserye na "Forevermore". Si Liza ang nangunguna sa listahan ng mga magagandang artista kapag walang makeup dahil talaga namang likas siyang maganda may makeup man o wala. Marami rin ang nagsasabi na kapag nakita raw si Liza sa personal, kahit walang makeup, ay mabibighani ka pa rin sa kanyang kagandahan.


Narito ang VIDEO ng Top 10 Most Beautiful Pinay Teen Celebrities Without Makeup. Panoorin nyo po...



Ano pong masasabi nyo dito? May kilala pa ba kayong mga celebrities na katulad nila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top