0




May idea ba kayo kung saang programa sa tv o pelikula nagsimula ang mga hinahangaan nating artista? Napakasikat na nila ngayon kaya hindi mo aakalain na ganito lang sila noon, ang iba sa kanila ay extra lamang sa mga teleserye at pelikula. 

Narito ang mga VIDEOS ng mga sikat na artista ngayon sa kanilang First Acting Roles:


1. Yassi Pressman - Gulong ng Palad (2006)
Yassi Pressman
Gumanap si Yassi Pressman bilang young Luisa sa TV program na "Gulong ng Palad." Nagsimula si Yassi sa kaniyang pag-aarte noong 2006.




2. Gabbi Garcia - My Destiny (2014)
Gabbi Garcia
Mahirap paniwalaan na si Gabbi Garcia na gumanap bilang Alena sa Encantadia ay nagsimula sa pag-aakting noong 2014 sa "My Destiny." Binigyang buhay niya ang karakter ni Nicole Perez, umani siya ng papuri galing sa mga televiewers at nakitaan sila ng chemistry ng ka-loveteam niya ngayon na si Ruru Madrid.




3. James Reid - Maynila: Loving Your Own (2011)
James Reid
Pagkatapos tanghalin si James Reid bilang big winner sa "Pinoy Big Brother Teen Clash 2010," tuluyan niya ng pinasok ang showbiz industry. Naging host siya at performer sa "Shoutout." Ngunit ang kaniyang pinakaunang acting role sa TV ay sa network na GMA. Naging ka-loveteam niya ang kaniyang PBB housemate na si Devon Seron sa isa sa mga episode ng weekly TV program na "Maynila".




4. Nadine Lustre - Petrang Kabayo (2010)
Nadine Lustre
Nagsimula si Nadine Lustre na magtrabaho sa TV noong 2002. Siya ay naging host sa "Storyland" at sa "Assignment" naman ng Disney Channel. Ang kaniyang naging unang acting role ay sa "Maalaala Mo Kaya: Regalo" noong 2006 at sa "Petrang Kabayo" naman sa big screen noong 2010.




5. Joshua Garcia - Nasaan ka Nang Kailangan Kita (2015)
Joshua Garcia
Bago pa man makuha ni Joshua Garcia ang puso at ang atensiyon ng karamihan sa pelikulang "Vince and Kath and James," siya muna ay lumabas sa show na "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita" at "You're Still The One" noong 2015.




6. Julia Barretto - Walang Kapalit (2007)
Julia Barretto
Noong 2006 ay gumanap si Julia Barretto bilang Isabelle sa "Gulong ng Palad," ngunit sumikat siya sa kaniyang role sa "Walang Kapalit" bilang young version ng kaniyang tita na si Claudine Barretto.


7. Daniel Padilla - Gimik (2010)
Daniel Padilla
Bago pa man siya maging "Teen King" katulad ng kaniyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo, siya rin ay nagsimula sa pag-aarte sa kaniyang murang edad. Siya ang gumanap bilang Daniel Ledesma sa "Gimik" noong 2010.




8. Kathryn Bernardo - It Might Be You (2003)
Kathryn Bernardo
Bago pa man kilalanin si Kathryn Bernardo bilang "Teen Queen," siya ay nagsimula sa pag-aacting sa murang edad. Gumanap siya bilang young Cielo sa TV series na "It Might Be You" noong 2003.




9. Enrique Gil - I Love Betty La Fea (2008)
Enrique Gil
Nagsimula si Enrique Gil sa showbiz noong 2008. Siya ay isang modelo sa remake ng Mexican telenovela na "I Love Betty La Fea" sa ABS-CBN.




10. Liza Soberano - Wansapanataym: Mac Ulit-Ulit (2011)
Liza Soberano
Sinimulan ni Liza Soberano ang kaniyang acting career sa weekly TV program ng ABS-CBN na "Wansapanataym." Gumanap siya bilang si Mac, ang teenager na tamad at mahilig mang-utos sa iba upang gawin ang kaniyang mga dapat gawin.


POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top