0




Hindi natin aakalain na ang mga artistang hinahangaan natin dito sa Pilipinas ay humahanga rin sa mga artistang galing sa ibang bansa. Halos lahat nga naman ng fans ay nais na makakuha ng litrato kasama ang kanilang iniidolo. Napakaswerte ng mga tagahangang nakakakasama ang kanilang idol kahit sa maikling oras lamang dahil lahat ng fans ay ito ang tanging pangarap.

Narito ang ilan sa mga artistang talaga namang fan na fan ng KDRAMA at K-POP:

1. Anne Curtis
Anne Curtis
Nangunguna sa listahan ang "It's Showtime" host na si Anne Curtis. Nagsimula lang siyang maging fan ng Kdrama noong mapanood niya ang TV series na galing pa sa bansang Korea na "Goblin." Sa series na ito ay nakaramdam siya ng kilig kay Gong Yoo na bida sa naturang palabas. Hindi niya mapigilang itago ang pagiging fan niya sa publiko, sa katunayan nga ay nagpost siya sa Instagram at sinabing siya ang Goblin's bride. 



Pumunta pa siya ng Hongkong upang mapanood ang fan meeting na tinawag na "Gong Yoo Live-Make A Wish." Hindi man siya nakapagpapicture sa kaniyang idol, sinabi niya naman na maswerte pa rin siya dahil nakita niya sa personal si Gong Yoo.

2. Vice Ganda
Vice Ganda
Ang komediyanteng si Vice Ganda ay inaming fan siya ng Kdrama. Katulad ng kaniyang co-host sa "It's Showtime" na si Anne Curtis, nagsimula siya na maging fan noong mapanood niya ang "Love in the Moonlight". 


Talaga namang maswerte siya dahil binati siya sa kaniyang kaarawan sa pamamagitan ng video ng isa sa mga bida sa tv series na galing pang Korea.

3. Ella Cruz
Ella Cruz
Kilala at sikat si Ella Cruz dahil sa kaniyang mga dance covers na sumikat sa internet. Kilala siya bilang "Dance Princess" dahil sa kaniyang galing sa pagsayaw. Siya rin ay isang aktres at kasalukuyan niyang ka-loveteam si Julian Trono.


Nalaman ng publiko na isa siyang fan ng Kpop simula noong mag-guest siya sa "Magandang Buhay" dahil nireveal niya na tagahanga siya ng mga ito at isa pa ay dala-dala niya ang mga Kpop album collections niya. 


Nakuwento rin niya na nagsimula siyang maging Fan noong sumikat ang grupo ni Sandara Park na 2NE1 sa Pilipinas. Inamin niya rin na fan siya ngayong ng girl group na "BlackPink".

4. Janice de Belen
Janice de Belen
Siya ay magaling na TV actress, marami ang humahanga sa kaniya dahil sa galing niya sa larangan ng pag-aarte. 



Lahat tayo ay hindi mag-aakala na magiging fan si Janice de Belen ng Kpop at Kdrama dahil sa kaniyang edad na halos 49 na ngayong taon. 



Hindi pangkaraniwan ang kaniyang edad na humanga sa mga Kpop at Kdrama dahil madalas na humahanga sa mga ito ay ang mga teenager. Pero hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang maging fan siya ng mga ito. Dito niya pinatunayan na isa siyang "millenial with heart".

5. Glaiza de Castro
Glaiza de Castro
Ang kapuso aktres na si Glaiza de Castro ay nasa mahabang bakasyong noong June ngayong taon sa bansang Korea. Pumunta siya para mapanood niya ang concert ng G-Dragon sa Seoul World Cup Stadium. Dahil dito pinatunayan niya na siya ay "kinain na ng sistema ng Kpop" tulad ng mga kabataan ngayon.






Post a Comment

 
Top