0




Maraming teen stars ngayon ang talagang napakagaganda ngunit ang iba sa kanila ay kinuha ang kagandahan mula sa lahi nilang banyaga.

Narito ang Top 10 na pinaka-magagandang teen stars na may dugong pure Filipina:

Top 10 - Alexa Ilacad
Alexa Ilacad
Si Alexandra Madarang Ilacad ay ipinanganak noong February 26, 2000 sa Pilipinas. Nagsimula siya sa programang pambata sa TV na "Goin Bulilit", at simula noon ay gumanap na rin siya sa maraming teleserye at pelikula.


Top 9 - Heaven Peralejo
Heaven Peralejo
Ipinanganak si Heaven Peralejo noong November 25, 1999 sa Makati City. Ang kanyang mga magulang ay Filipino at pamankin siya ng actress na si Rica Peralejo. Naging bahagi rin siya ng reality show na "Pinoy Big Brother".


Top 8 - Bianca Umali
Bianca Umali
Si Bianca Umali ay ipinanganak noong March 2, 2000 sa Paranaque City. Inalagaan siya ng lola nya simula noong pumanaw ang kanyang mga magulang noong bata pa siya. Sumikat si Bianca sa iba't ibang TV commercials, teleserye, at mga pelikula.


Top 7 - Janella Salvador
Janella Salvador
Ipinanganak si Janella Salvador noong March 30, 1998 sa Manila. Anak siya ng singer na si Jenine Desiderio at JM Salvador. Nagbida na rin siya sa mga teleserye at pelikula.


Top 6 - Gabbi Garcia
Gabbi Garcia
Si Gabriella Louise Lopez ay ipinanganak noong December 2, 1998 sa Makati City. Dahil sa kanyang kagandahan at talento, kinukuha rin siya para sa mga TV commercials. Nakagawa na rin siya ng ilang mga teleserye at pelikula.


Top 5 - Kisses Delavin
Kisses Delavin
Ipinanganak si Kisses Delavin noong May 1, 1999 at lumaki sa Masbate City kasama ang kanyang mga magulang na Filipino. Pumasok rin siya sa bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother) na naging dahilan upang lalo siyang makilala.


Top 4 - Ylona Garcia
Ylona Garcia
Si Ylona Garcia ay ipinanganak noong February 28, 2002. Bagamat siya ay ipinanganak sa Sydney Australia, siya ay nanatiling pure Filipina dahil ang kanyang mga magulang ay mga Filipino. Nakilala rin siya simula ng pumasok siya sa "Pinoy Big Brother".


Top 3 - Kate Valdez
Kate Valdez
Ipinanganak si Kate Valdez noong August 21, 2000 sa United States subalit pinalaki siya sa Metro Manila. Siya ay model at actress sa GMA Network at mas higit na kilala bilang si Violet ng "Destiny Rose", at bilang Mira sa "Encantadia".


Top 2 - Loisa Andalio
Loisa Andalio
Si Loisa Andalio ay ipinanganak noong April 21, 1999 sa Paranaque City. Ang kanyang mga magulang ay purong Filipino. Siya ay magaling na singer, dancer at actress. Nagbida na rin siya sa mga teleserye at gumanap sa ibang mga pelikula.


Top 1 - Julia Barretto
Julia Barretto
Ipinanganak si Julia Barretto noong March 10, 1997 sa Marikina City. Anak siya ng mga artistang sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Nagbida na rin siya sa ilang mga teleserye at mga pelikula.


Narito ang VIDEO ng Top 10 PRETTIEST Pure Pinay Teen Stars. Panoorin nyo po...




Sang-ayon ba kayo sa ranking na ito? Sino sa tingin nyo ang pinakamaganda sa kanila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top