0




Sinasabing ang makeup ang "Woman's Best Friend" ngayon, ito ay dahil sa ang makeup ay nagpapaganda at nagbibigay ng confidence para sa mga kababaihan. Maraming kababaihan ngayon ang halos hindi makalabas ng bahay kung walang makeup dahil nakasanayan na nila ito at feeling nila hindi sila kumpleto or maganda kung walang makeup.

Sa mga celebrities, kailangan nilang mag-makeup para maging maganda at maayos ang itsura nila sa telebisyon at sa publiko. Ngunit alam nyo ba ang itsura nila kapag wala silang makeup? 

Narito ang Top 10 Pinay Celebrities na sinasabing mahirap daw makilala kapag walang MAKEUP:

10. Louise Delos Reyes
Louise Delos Reyes
Si Louise Delos Reyes ay isang actress at model na nakilala sa kanyang pagganap sa mga pelikulang "The Road" noong 2011, "One True Love" at "My Beloved" noong 2012. Si Louise ay isa mga Pinay Celebrities na masasabing likas na Filipina ang ganda. Ang kanyang itsura ay katulad ng karaniwang Filipina na may simpleng ganda, ngunit kapag siya ay naka-makeup na, ang kanyang simpleng ganda ay nagiging parang mala prinsesa.


9. Maja Salvador
Maja Salvador
Si Maja Salvador ay isang singer, actress, dancer, model, at producer din. Siya ay kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ng ABS-CBN’s Star Magic at itinuturing na “Dance Princess”. Si Maja ay may ganda ng tunay na Filipina ngunit sa larangan ng showbiz, kailangan pa rin niyang mag-makeup sa tuwing haharap siya sa camera. Ang kanyang simpleng ganda ay lalong gumaganda kapag siya ay naka-makeup na kung saan marami ang nabibighani sa kanya. Bihira lamang makita ng tao na walang makeup si Maja kung kaya't maaari ring hindi siya basta makilala ng iba.


8. Jane Oineza
Jane Oineza
Si Jane Oineza ay isang actress, model at singer. Nagsimula siya sa "Goin’ Bulilit" noong bata pa siya at nakagawa na rin ng ilang pelikula. Lalo siyang sumikat ng sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother". Nakatanggap na rin sya ng award "World’s Best Actress certificate" at International Emmy nomination para sa pagganap niya sa pelikulang "Manika" noong 2012.  Simula pagkabata hanggang sa magdalaga, si Jane ay laging naka-makeup sa tuwing haharap sa camera kung kaya't nasanay na rin ang marami sa itsura niyang naka-makeup.


7. Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose
Si Julie Anne San Jose ay kilala bilang singer, actress, model composer, at TV personality. Siya ay nakatanggap na ng “Diamond Record Award” mula sa Philippine Association of the Record Industry dahil sa kanyang album na "Julie Anne San Jose" na nakabenta ng 150,000 units sa Pilipinas. Kung titingnan mo ang itsura ni Julie Anne kapag siya ay walang makeup ay napaka simple lamang niya, ngunit kapag siya ay naka-makeup na ay napaka ganda na niya.


6. Mariel Rodriguez
Mariel Rodriguez
Si Mariel Rodriguez ay isang commercial model, endorser, television host, VJ, at actress. Siya ang asawa ng sikat na action star na si Robin Padilla. Bilang model at host, palagi siyang naka-makeup kung kaya't maraming tao ang hindi nakakaalam ng itsura niya kapag walang makeup. Sinasabi rin ng iba na kung makakasalubong mo sa daan si Mariel ng hindi naka-makeup ay maaaring hindi mo siya makilala.


5. Georgina Wilson
Georgina Wilson
Si Georgina Wilson ay isang Filipino-British model, actress, host at VJ. Naghost na rin si Georgina sa "Asia’s Next Top Model". Bilang modelo, sanay si Georgina sa palaging pagme-makeup, at kalimitan ay marami at makapal ang makeup na kanyang inilalagay, kung kaya't malayo na sa tunay niyang itsura ang itsurang nakasanayan ng tao tuwing nakikita siyang naka-makeup. Likas na maganda si Georgina kahit walang makeup ngunit maaari mo pa rin siyang hindi makilala kapag walang makeup dahil iba ang itsura niya sa nakasanayan ng marami.


4. Rufa Mae Quinto
Rufa Mae Quinto
Si Rufa Mae Quinto ay isang actress, comedian, television host at occasional singer din. Higit na nakilala si Rufa Mae sa kanyang pagiging komedyante at seksing actress. Bilang actress, malimit din siyang naka-makeup at hindi siya lumalabas sa telebisyon o humaharap sa camera ng walang makeup kung kaya't sanay rin ang maraming tao na nakikita siya sa kanyang itsura na naka-makeup. Dahil dito, maaaring hindi rin basta makilala si Rufa Mae kapag wala siyang makeup.


3. Alex Gonzaga
Alex Gonzaga
Si Alex Gonzaga ay isang TV host, singer, actress, at isang author. Lalo siyang sumikat at nakilala nang magco-host siya sa una at pangalawang season ng "The Voice of the Philippines" noong 2013-2015 at unang season ng "The Voice Kids" noong 2014, na kung saan ay nanalo siya bilang 'Best Talent Search Program Hosts' sa PMPC Star Awards noong 2014. Marami ang nagsasabi na kung wala daw makeup si Alex e hindi mo ito basta makikilala dahil nasanay na ang maraming tao sa itsura niyang naka makeup.


2. Ai Ai Delas Alas
Ai Ai Delas Alas
Si Ai Ai Delas Alas ay isang sikat na komedyanteng actress sa telebisyon at pelikula. Lubos siyang nakilala at sumikat sa kanyang pagaganp sa pelikulang "Ang Tanging Ina" noong 2003 na naging blockbuster hit. Aminado si Ai Ai na hindi siya kagandahan at pang comedy talaga ang kanyang itsura kung kaya't palagi rin siyang nagme-makeup. Sa tagal na niya sa showbiz, maraming tao na ang nakakakilala sa kanya at nasanay na rin sa itsura niya na naka makeup, kung kaya't maaari ring hindi siya basta makilala ng tao kapag wala siyang makeup.


1. Vice Ganda
Vice Ganda
Si Vice Ganda ay isang komedyanteng actor, host, at singer. Marami na siyang nagawang pelikula na pumatok sa takilya. Siya rin ang nagbibigay saya sa noontime show na "It's Showtime" sa ABS-CBN. Tanggap ni Vice na hindi ganon kaganda ang kanyang itsura kung kaya't palagi siyang naglalagay ng makapal na makeup upang mapaganda niya ang kanyang sarili sa harap ng camera at telebisyon. Sa kapal ng makeup niya na nakasanayan na ng marami, posible talagang hindi siya basta makilala kapag nakita siyang walang makeup.


Narito ang Top 10 Pinay Celebrities na mahirap makilala kapag walang MAKEUP. Panoorin nyo po...




Ano pong masasabi nyo dito? May kilala pa ba kayong mga celebrities na katulad nila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top