0




Marami sa mga celebrities natin ang nakakagawa ng mga hindi nila sinasadya o inaasahang bagay na nakakahiya. Sabi nga nila 'walang perpekto' kaya hindi talaga maiiwasang magkamali kahit sino pa man. Ngunit sa mga artista na laging tinututukan ng camera, hindi rin maiiwasang makuhanan ang kanilang mga hindi inaasahang pagkakamali na sadyang kung minsan ay talagang nakakahiya.

Narito ang Top 10 Most Embarrassing Videos ng mga Sikat na Pinoy Celebrities:

1. Vice Ganda
Vice Ganda
Mapapanood sa video ang ginawang panggu-goodtime nila Vhong Navarro kay Vice Ganda. Sa video na ipinost sa social media, kitang nagtatawanan ang lahat habang si Vice Ganda ay mistulang nahubuan at napaupo na sa sahig. Nakita sa video ang underwear ni Vice at hindi naman niya ito ikinagalit bagkos isa rin siya sa mga tumatawa sa kalokohang ginawa nila Vhong.


2. Jessy Mendiola
Jessy Mendiola
Sa interview kina Luis Manzano at Jessy Mendiola, nagbiro si Luis na sinegundahan naman ni Jessy subalit nabigla ang host dahil hindi nila inaasahan na ganun ang sasabihin ni Jessy. "His underwear is red." pabirong sinabi ni Jessy na sa huli ay narealize din nyang nabigla siya sa sinabi nya kaya siya mismo ay di napigilang matawa sa kanyang binitawang biro.


3. Claudine Barretto
Claudine Barretto
Sa panahong kasikatan ni Claudine Barretto, nagkaron siya ng hindi inaasahan at nakakahiyang pangyayari sa ASAP. Kilala si Claudine noong mga panahon na yun na isang sweet girl at marami ang umiidolo sa kanya, subalit nang madulas siya habang naglalakad sa show ay nabigla siya at nakapagmura siya na narinig ng marami dahil sa hawak niyang mic. Marami ang nabigla sa kanyang pagmumura dahil hindi ito inaasahan ng lahat mula sa kanya.


4. Marian Rivera
Marian Rivera
Si Marian Rivera ay kilala bilang isang maganda at seksing actress. Bukod sa pag-arte ay mahilig din siyang sumayaw. Sa isang noontime show kung saan ay sumayaw si Marian, aksidenteng natanggal ang damit niyang pang-itaas at nakita ng marami ang kanyang dibdib. Lahat ng yun ay nakuhanan ng camera at wala ng magagawa dahil live ang naturang show.


5. Kim Chiu and Enchong Dee
Kim Chiu and Enchong Dee
Si Kim Chiu at Enchong Dee ay kilala bilang mga magaling sumayaw bukod sa pag-arte. Madalas silang magkapareha sa sayaw sa ASAP. Ngunit katulad din ng marami, hindi lahat ng performance ay nagiging perpekto o umaayon sa kung ano ang inensayo. Makikita sa video na aksidenteng nasipa ni Enchong ang ulo ni Kim at pagkatapos noon ay nagkaron pa ng isang malaking aksidente ng matumba si Enchong habang binubuhat niya si Kim na nakatiwarik. Ang eksena ay mukhang nakakatawa pero delikado para sa dalawa dahil pwede silang mabalian sa nasabing aksidente.


6. Allan K
Allan K
Ang aksidenteng nangyari kay Allan K ay hindi naman nakakabahala bagkos ay nakakatawa. Sa kanyang noontime show, habang nagsasalita siya ay aksidentang lumabas ang kanyang pustiso at kamuntik ng mahulog. Sakto naman na sa kanya nakatutok ang camera kaya marami ang nakakita at natawa. Nagtawanan din ang kanyang mga kasama sa programa pati na rin siya. Ang ganitong aksidente ay balewala kay Allan K dahil komedyante naman talaga ang kanyang image.


7. Sarah Geronimo
Sarah Geronimo
Sa isang sikat na actress at singer na tulad ni Sarah Geronimo, ang isang kapalpakan sa show ay lubhang nakakahiya, hindi man para sa kanya kundi para na rin sa mga taong nanonood at lalo na sa kanyang mga tagahanga. Sa video, makikita ang isang aksidente na hindi naman gaanong malala. Nadulas si Sarah habang kumakanta at sumasayaw sa isang show. Napangiti na lamang siya at itinuloy na lang niya sa panandaliang paghiga ang kanyang pagkakadulas at pagkatapos noon ay deretso pa rin siya sa kanyang performance.


8. Alma Moreno
Alma Moreno
Kumandidato noon ang batikang actress na si Alma Moreno bilang Senadora at dahil dito ay nagkaroon siya ng mga interviews hinggil sa kanyang pagtakbo. Sa video ay makikitang iniinterview siya ni Karen Davila at dito ay kapansin-pansin ang pagkapahiya niya sa tanong ni Karen. Alam naman ng marami na hindi ganon kahusay si Alma pagdating sa salitang English, ito marahil ang dahilan kung bakit naging ganun na lamang ang sagot niya kay Karen.


9. Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose
Si Julie Anne San Jose ay isang magandang actress na hinahangaan ng marami. Bukod sa pag-arte ay mahilig din siyang kumanta at sumayaw. Sa video ay makikita ang hindi lang iisang aksidente na nangyari sa kanya habang nagpe-perform siya sa stage. Sa unang aksidente ay natumba siya dahil sa sobrang pag-headbang at sa pangalawa naman ay natapilok siya habang nagsasayaw at natagalan bago siya makatayo, itinigil ang tugtog at inalalayan pa siya ng marami upang makatayo.


10. John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz
Kilala si John Lloyd Cruz bilang isang matinee idol at marami talaga ang humahanga sa kanya. Ngunit sa videong kumalat sa social media na sinasabing isa na sa pinaka nakakahiyang ginawa ni John Lloyd, makikitang wala siya sa wisyo o sobrang lasing. Nagdura siya ng pagkain sa harap ni Ellen Adarna, nagpa-picture sa tabi ng Gasul, nag-middlefinger, at kung anu-ano pang asal ng isang lasing. Kinalaunan ay humingi siya ng public apology para sa kanyang mga hindi kanais-nais na ginawa.


Narito ang Top 10 Most Embarrassing Videos ng mga Sikat na Pinoy Celebrities. Panoorin nyo po...




Ano pong masasabi nyo dito? May kilala pa ba kayong mga celebrities na nagkaroon din ng mga insidenteng katulad nito?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top