0




Maraming kabataan ngayon ang natutuwa at kinikilig sa mga love teams sa teleserye at pelikulang kanilang napapanood. Maaaring dahil sa kagwapuhan at kagandahang taglay ng love teams, o dahil sa mga nakakakilig na pagganap nila ng kanilang mga roles, o dahil sa talagang bagay lang sila sa isa't isa. Marami na ring kabataang artista ang pinagtambal ngunit hindi sumikat kung kaya't pinapalitan ang kanilang mga kapareha hangang sa magustuhan ito ng mga fans.

Tinanong namin ang ilang mga kabataang Netizens kung sino ang pinakagusto at pinaka-kinakikiligan nilang young Love Teams ng ABS-CBN ngayon. 


Narito ang Top 10 BEST Kapamilya Young Love Teams ayon sa survey:

Top 10 - Nash Aguas and Alexa Ilacad
Nash Aguas and Alexa ilacad
Si Nash Aguas at Alexa Ilacad ay matagal ng magkakilala simula pa noong bata pa sila dahil pareho silang kasali sa "Goin Bulilit". Pinagtambal sila sa maraming teleserye na naging dahilan upang magustuhan sila ng mga fans bilang Love Team.



Top 9 - Bailey May and Ylona Garcia
Bailey May and Ylona Garcia
Si Bailey May at Ylona Garcia ay nagkakilala naman sa loob ng bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother). Sa loob pa lang ng bahay ay nakitaan na sila ng pagkagusto sa isa't isa kung kayat marami ang kinilig sa tambalan ng dalawa. Bukod sa parehong English-speaking, naging bagay rin silang Love Team para sa tingin ng mga kabataan dahil sa magkaiba nilang lahi at kulay, si Ylona ay morena at tisoy naman si Bailey.



Top 8 - Kisses Delavin and Marco Gallo
Kisses Delavin and Marco Gallo
Si Kisses Delavin at Marco Gallo ay nagkakilala rin sa loob ng bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother). Unang nagpakita ng malalim na paghanga at admirasyon si Kisses para kay Marco at sa huli ay nagkagustuhan rin ang dalawa. Nagustuhan ng marami ang magandang ugali ng dalawa kung kaya't mabilis dumami ang kanilang mga tagahanga. Sa ngayon ay mapapanood na ang tambalan ng dalawa sa TV at marami ang naghihitay na mapanood sila sa pelikula.



Top 7 - Maymay Entrata and Edward Barber
Maymay Entrata and Edward Barber
Si Maymay Entrata at Edward Barber ay nagkakilala rin sa loob ng bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother). Marami ang natuwa at kinilig sa kanilang kakaibang Chemistry. Ang kanilang tambalan ay tulad rin nila Bailey May and Ylona Garcia dahil si Edward ay tisoy at si Maymay ay morena, subalit ang mas ikinagusto ng marami ay ang pagiging likas na komedyante ni Maymay. Sa ngayon ay mapapanood sila sa isang sikat na teleserye sa TV at inaasahang mapanood din sa pelikula.



Top 6 - Sofia Andres and Diego Loyzaga
Sofia Andres and Diego Loyzaga
Si Sofia Andres at Diego Loyzaga ay parehong magaling na mga artista at marami na ang kanilang mga nagawang teleserye at pelikula kung kaya't kilala na sila ng maraming tagahanga. Sa kasalukuyan ay magkatambal sila sa isang teleseryeng puno ng drama at pag-ibig. Marami rin ang nagkakagusto sa tambalan ng dalawa dahil sa pareho nilang angking kagwapuhan at kagandahan.



Top 5 - Mccoy De Leon and Elisse Joson
Mccoy De Leon and Elisse Joson
Si Mccoy De Leon at Elisse Joson ay nagkakilala rin sa loob ng bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother). Sa loob ng bahay ni kuya unang nain-love ang dalawa sa isa't isa at marami ang nakasaksi dito kung kaya't marami rin ang natuwa at kinilig sa tambalan ng dalawa. Sa ngayon, mapapanood ang dalawa sa mga TV commercials at sa ilang mga teleserye sa TV at pelikula.



Top 4 - Janella Salvador and Elmo Magalona
Janella Salvador and Elmo Magalona
Si Janella Salvador at Elmo Magalona ay parehong anak ng mga sikat na personalities sa larangan ng showbiz. Si Janella ay anak ng sikat na singer na si Jenine Desiderio at si Elmo naman ay anak ni Francis Magalona na dating actor at rapper. Nagtambal ang dalawa sa mga teleserye sa TV at sa ilang pelikula kung kaya't marami rin ang natuwa at kinilig sa tamabalan ng dalawa.



Top 3 - Joshua Garcia and Julia Barretto
Joshua Garcia and Julia Barretto
Si Joshua Garcia at Julia Barretto ang isa sa mga kasalukuyang kinakikiligang tambalan ngayon. Bukod sa kagwapuhan at kagandahang taglay ng dalawa, nagustuhan rin sila ng mga fans dahil sa mga nakakakilig nilang pagganap sa mga teleserye at pelikula. At dahil sa magandang resulta ng kanilang pelikula, inaasahan ng marami na mapanood rin sila bilang bida sa isang teleserye sa TV.



Top 2 - Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang sinsabing pinaka-unang sumikat na Love Team sa mga kabataan ngayon. Nagustuhan at ikinakilig ng marami ang kanilang mga ginawang teleserye at mga pelikula na lalong nagpatatag ng kanilang tamabalan. Masasabing isa na sila sa mga young celebrities na may pinakamahaba at matatag na tamabalan sa ngayon. Sa kasalukuyan ay mapapanood sila sa isang sikat na Fantaserye na kung saan ay sila ang bida dito.



Top 1 - Liza Soberano and Enrique Gil
Liza Soberano and Enrique Gil
Si Liza Soberano at Enrique Gil ang itinuturing na pinaka sikat na Love Team ngayon. Nagustuhan at ikinakilig ng marami ang kanilang tambalan sa iba't iba nilang mga naging teleserye at pelikula. Higit na marami ang humahanga sa kakaibang ganda na taglay ni Liza at hinangaan rin siya sa husay nya sa pag-arte. At lalong higit na dumami ang mga fans nito ng dahil sa kanyang positibong personalidad at pagiging mapagkumbaba. Sinasabing ang kagandahan ni Liza ay tunay na nakabibighani sa anumang kasarian, mapalalaki man o babae, kung kaya't marami talaga ang kanyang nagiging tagahanga. Kinilig ang marami sa tambalan ng dalawa ng pareho silang umamin sa publiko ng kanilang tunay na nararamdaman para sa isa't isa.



Narito ang ilang mga VIDEOS ng mga kilalang Love Teams ngayon. Panoorin nyo po...







Ano pong masasabi nyo sa Top 10 BEST Kapamilya Young Love Teams? Sang-ayon ba kayo sa ranking nila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top