0




Maraming Pinay Celebrities ang likas na mayaman ngunit higit na mas marami ang hindi. Karamihan ay nagnanais na kumita ng malaking pera dahil sa pangangailangan o ambisyon, at ginagawa ang lahat upang maabot ito. Marami ang nagsasabi na ginagamit daw ng ibang mga artista ang kanilang ganda upang makapag-asawa ng mayaman kahit matanda na, ngunit ayon naman sa kanila sadyang umibig lang sila at nagkataon lamang daw na mayaman o mas matanda sa kanila ang kanilang inibig.

Narito ang mga Pinay Celebrities na naging SUPER RICH dahil sa kanilang asawa:

Assunta De Rossi
Assunta De Rossi
Si Maria Assunta Tiongco Schiavone-Ledesma ay isang actress na Filipino-Italian at mas kilala bilang si Assunta De Rossi. Siya ay kasal sa mayamang si Julio Carlos Ledesma IV o Jules Ledesma.

Si Jules ay mula sa old-rich Ledesma clan ng Negros Occidental, sila ang pillar ng sugar industry at may-ari ng malalaking lupain sa Negros.



Ikinasal ang dalawa noong 19 years old pa lamang si Assunta at si Jules naman ay 41 years old. Ang kasalan ay naganap noong December 14, 2002 sa Executive House ng Ledesma group.

Noong March 14, 2004, ikinasal naman sila sa simbahan sa Sactuario de San Antonio sa Forbes Park.


Niña Jose
Niña Jose
Si Niña Jose ay dating housemate ng Chinita Princess na si Kim Chiu sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong 2006. Pagkatapos niya sa PBB ay dumeretso naman siya sa pag-aartista. Bukod sa pag-aartista, pinasok din nya ang modelling at lumabas din siya sa cover ng FHM magazine.

Matapos niyang iwanan ang showbiz, ikinasal si Niña sa isang Billionaire Politician na si Mayor Cesar Quiambao ng Pangasinan. Si Cesar ang may-ari at Chief Executive Officer ng Stradcom Corporation, isang malaking kompanya na nagma-manufacture at nag-ooperate ng IT infrastracture projects para sa Gobyerno.



Marami ang nagsasabi na ang edad ay numero lamang at pagdating sa pag-ibig ay "age doesn't matter", at pinatunayan ito ni Niña Jose sa pagpapakasal niya kay Mayor Cesar Quiambao. 

Sa mga naunang interview, sinabi ni Niña na mas attracted siya sa mga mas matatandang lalaki. Kaya nung makilala nya si Mayor Cesar ay balewala sa kanya ang edad nito.

Sa kabila ng napakalayong pag-itan ng kanilang edad ay masaya naman daw si Niña sa kanyang asawa.


Kaye Abad
Kaye Abad
Si Kaye Abad at si Paul Jake Castillo ay nagsama officially noong April 14, 2014. Datapwat inamin lamang nila ang kanilang relasyon sa publiko makaraan lamang ang isang buwan, marami sa kanilang followers ang naniniwala na merong something special sa dalawa.

Ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo ay mayaman na bago pa siya pumasok sa bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother House).



Ang pamilya ni Paul Jake Castillo ay hindi lamang nagmamay-ari ng bahay sa Cebu kundi pati na rin rest house at farm. Ang kanyang pamilya ay mayron ding malaking negosyo na gumagawa ng Bioderm, Efficascent Oil, Casino Alcohol, at marami pang iba.

Si Paul Jake Castillo at Kaye Abad ay magkaibigan bago sila naging magkasintahan. Nagpakasal sila sa isang Catholic wedding ceremony na ginanap sa san Pedro Calungsod Chapel sa Cebu noong December 9 last year.

Sa kabila ng pagiging mayaman ni Paul Jake, gusto niyang maging independent at nagawa rin niyang magtayo ng sariling negosyo na YOBOB Lechon de Cebu na binuksan noong 2012. Matapos makasal ang dalawa, si Kaye ang kasalukuyang nagma-manage ng kanilang mga negosyo.


Pauleen Luna
Pauleen Luna
Si Pauleen Marie Jimenez Luna ay isang Pinay actress at isang TV personality. Siya ay isang regular host sa matagal ng variety show sa Pilipinas na 'Eat Bulaga'.

Una silang nagkita noong sumali si Pauleen sa Little Miss Philippines noong 1995, siya ay 6 years old pa lamang noon.

Inamin ni Vic Sotto ang kaniyang relasyon kay Pauleen, na mas bata sa kanya ng 34 years, noong December 2013. Pero ang dalawa ay magkarelasyon na simula pa noong 2011.



Binansagang 'Gold Digger' si Pauleen ng maraming tao. Masyado raw bata si Pauleen para kay Vic. Subalit para kay Pauleen, ang mahalaga ay ang pagmamahal niya kay Vic.

Ang 27 years old na si Pauleen Luna ay nagpakasal sa isang 61 years old veteran comedian na si Vic Sotto sa isang private wedding na ginanap sa St. James The Great Parish sa Alabang.

Sila ay kasalukuyang masayang nagsasama at sa ngayon ay ipinagbubuntis ni Pauleen ang kanilang first baby girl.


Marian Rivera
Marian Rivera
Si Marian Rivera Gracia na mas kilala bilang si Marian Rivera ay isang Spanish Filipina commercial model at artista. Ang kanyang mga magulang ay naghiwalay noong 2 years old pa lamang siya at matapos noon ay dinala na siya ng kanyang ina sa Pilipinas kung saan siya lumaki.

Bago pa sila maging sikat, si Marian ay mayron lamang simpleng buhay sa Cavite na kung saan ay inaalagan siya ng kanyang lola. Habang si Jose Sixto Gonzalez Dantes III, na mas kilala bilang si Dingdong Dantes, ay gumagawa na ng mga commercials sa edad na 2 years old at naging exclusive talent ng GMA simula noong 17 years old pa lamang siya.

Si Dingdong Dantes ay chairman ng Yes Pinoy Founation at nagma-manage ng sarili niyang film studio na pinangalanang AgostoDos Pictures. Mayroon din siyang pag-aari na Multi-Million Penthouse sa Quezon City.



Noong 2007 unang nagkakilala sina Marian at Dingdong nang mapili silang gumanap bilang Marimar at Sergio.

Ikinasal sila noong December 30, 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral in Cubao. Tinaguriang 'Wedding of the Year' ang kanilang kasal noon. Dinaluhan ang nasabing kasal ng maraming sikat na personalidad kabilang na ang dating Pangulo na si Noynoy Aquino.

Matapos ang kasalan, biniyayaan sila ng isang napaka-cute na baby girl na pinangalanan nilang Maria Letizia Dantes.


Zsa Zsa Padilla
Zsa Zsa Padilla
Bago pa makilala bilang 'Divine Diva' si Zsa Zsa Padilla, siya ay simpleng babae lang na may simpleng buhay. Ngunit lahat ay nagbago nang pumasok na siya sa showbiz. Gumanap at nagbida siya sa telebisyon at mga pelikula, subalit ang pinaka remarkable role na ganyang ginampanan ay ang pagiging life partner ng Comedy King na si Dolphy.



Nang makilala niya si Dolphy, mayroon na siyang malaking pangalan sa showbiz. Si Zsa Zsa ay mas bata ng 36 years kay Dolphy. Sa haba ng pagsasama ng dalawa, ang kanilang planong magpakasal ay natagalan dahil sa nakabinbing annulment case ni Zsa Zsa sa kaniyang dating asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari.


Gretchen Barretto
Gretchen Barretto
Si Gretchen Barretto ay isang Filipina actress at nagsimula noong i-launch ng Regal Films sa "14 Going on Steady" bilang singer at actress. Noong 90's, nagbida siya sa maraming pelikula ng Seiko Films tulad ng "Tukso, Layuan Mo Ako" noong 1995, na tinagurian noong "S3x Trip" o "ST Productions".

Si Gretchen ay 23 years old ng makipagrelasyon siya sa business tycoon na si Antonio "tonyboy" Cojuangco na mas matanda sa kanya ng 20 years. Lagi siyang kasama ni Tonyboy sa mga special gatherings pero nire-refer lang siya bilang 'Tony's Date'.



Di nagtagal ay nabuntis si Gretchen at ipinanganak ang kanyang first baby girl na pinangalanang Dominique. Inamin na rin niya sa publiko ang kanyang relasyon sa billionaire businessman na si Tony Cojuangco. Inamin naman at pinanindigan ni Tonyboy ang pagiging ama sa anak nila ni Gretchen.

Sa ngayon, mahigit 2 decades na silang nagsasama subalit marami pa rin ang nagtatanong kay Tony kung papakasalan na nga ba niya si Gretchen upang maging Mrs. Conjuangco.


Narito ang VIDEO ng mga Pinay Celebrities na naging SUPER RICH dahil sa kanilang asawa. Panoorin nyo po...




Ano pong masasabi nyo dito? May kilala pa ba kayong ibang Pinay Celebrities na naging SUPER RICH dahil sa kanilang asawa?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top