0




Mas mahalaga ang magkaroon ng magandang looks ang isang artista kaysa maging talented sa mundo ng showbiz. Ngunit, walang taong ipinanganak na parehong talented at mayroong maganda o guwapong pagmumukha.

Kailangan ng mga artista na i-improve ang kanilang kakayahan sa isang bagay at pati na rin ang kanilang mga itsura. Kinakailangan nilang magmukhang mas kaaya-aya at magmukhang bata sa paningin ng iba para mapanatili nila ang kanilang trabaho.

Ang magiging susi sa kanilang minimithing kasikatan ay ang dumaan sa plastic surgery. Ang plastic surgery ay nangangailangan ng limpak-limpak na pera upang makadaan ka sa prosesong ito. Kailangan mo rin ng pagtitiis dahil sa pansamantalang sakit na maidudulot nito sa iyo. Ngunit, kaunting pagtitiis lang at makakamit mo na ang inaasam mong kagandahan. Ang ilan sa mga Filipino celebrities ay dumaan sa prosesong ito kaya naging physically attractive sila at naging malakas ang appeal sa mga tao. Ang maging maganda at kaakit-akit nga naman talaga ang main purpose ng plastic surgery.

Narito ang 10 sa mga Pinoy Celebrities na hindi mo aakalaing nagpa-RETOKE:

(In no particular order)


1. Ruffa Mae Quinto (Reconstructive)
Ruffa Mae Quinto
Marami sa atin ang natutuwa sa komediyanteng si Ruffa Mae. Ang ikinatutuwa ng karamihan sa atin ay ang kaniyang pagiging maganda at sexy ngunit sa kabila nito ay mayroon rin siyang nakakatawang personality na nakakuha ng puso ng masa. 

Ang kaniyang pagiging sexy na komediyante ay naging pansamantala lamang dahil ang kaniyang huling enhancement surgery ay tila ba nagkamali sa proseso nito. Kaya naman ay napilitan siyang dumaan sa reconstructive surgery at ipinaalis niya rin ang ipina-breast implant niya. 

Kaya dapat tayong matuto sa napagdaanan ni Ruffa Mae Quinto na hindi lahat ng doktor ay kayang baguhin ang itsura mo. Kahit na marami ng naging karanasan ang isang doktor ay nagagawa pa rin nilang magkamali. Ang magiging resulta ng pagkakamaling ito ay mas papangit pa ang itsura mo kung ikukumpara sa dati mong itsura at ang pinakamalala pang resulta nito ay magkakaroon ng side effects ang surgery at maapektuhan ang iyong kalusugan.

2. Angeline Quinto (Face, cheeks, back at armpits)
Angeline Quinto
Nagsimula ang mang-aawit na si Angeline Quinto sa showbiz bilang isang chubby at simple ngunit napakaganda niya na ngayon. Ang kaniyang kagandahan ngayon ay hindi niya maabot kung hindi dahil kay Doktora Vicky Belo na tumulong sa kaniya at nag-suggest kung ano ang dapat niyang baguhin sa kaniyang pangangatawan.

3. Kris Aquino (Nose)
Kris Aquino
Napakayaman na ni Kris ngayon, kung tutuusin lahat ng beauty enhancements ay puwede niyang daanan at bayaran dahil sa kaniyang 120 million na perang mayroon siya, sa kabila pa nito marami pang proyekto ang dumarating sa kaniya. Ngunit, pinili niyang ilong lang ang kaniyang ipagawa.

4. Vice Ganda (Hips at underarms)
Vice Ganda
Hindi ikinakahiya ni Vice Ganda ang hindi niya kagandahang pagmumukha. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagkakaroon ng imperpektong itsura, napakaganda naman ng kaniyang career ngayon. Dahil sa kaniyang hindi makinis na mukha, kinakailangan niyang maglagay ng ilang layers ng make-up. Dumaan rin naman siya sa ilang surgery upang maging maputi ang kaniyang kili-kili at magkaroon ng kaunting curve ang kaniyang katawan.

5. Christopher de Leon (Facelift)
Christopher de Leon
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatahak ni Christopher ang mundo ng showbiz kahit na medyo may edad na siya. Kahit na isa na siya ngayong senior citizen ay nananatili pa rin siyang magaling sa pag-aakting at mukhang bata pa ang kaniyang pagmumukha. Ang kaniyang sikreto sa mga ito ay ang pagiging masaya at positibo sa buhay. Nagpabalik-balik rin siya sa mga beauty clinics upang magpa-face lift noong nakaraang 16 years.

6. Gretchen Barretto (Lips)
Gretchen Barretto
Siya ang malapit na kaibigan ni Pops Fernandez. Kaya naman ay agad na ipinagtanggol ni Gretchen ang kaniyang kaibigan sa usap-usapan na si Pops daw ay nagpaggawa ng ilong at labi. Naging dahilan rin na dumaan rin siya sa plastic surgery kaya nagawa niyang ipagtanggol ang kaniyang kaibigan. Nagtataka ba kayo na sa kabila ng edad ni Gretchen ay nanatili pa rin siyang maganda at mukhang bata? Umiinom siya ng mga beauty supplements at ang maganda naman doon ay mayroon siyang healthy lifestyle. Utang niya ang kaniyang kagandahan sa cosmetic surgery.

7. Lani Misalucha (Nose, eyebags at teeth)
Lani Misalucha
Marami ang umiidolo kay Lani Misalucha sa loob at labas ng ating bansa dahil sa kaniyang galing sa pagkanta. Isa siya sa mga magagaling na mang-aawit dito sa Pilipinas. 

Siya ay morena noon at may Pinay charm. Ngunit malaki na ang pinagkaiba ng kaniyang itsura noon sa ngayon. Mukha na siyang Latina at Pinoy version ni Kim Kardashian at ni Eva Longoria, ang pinagkaiba niya lang sa mga ito ay mas magaling siyang kumanta.

8. Vilma Santos-Recto (Eyelids)
Vilma Santos-Recto
Isa si Vilma sa mga maswerteng tao na nagtagumpay sa showbiz at pati na rin sa pulitika. Kahit na hindi na natin siya masyadong napapanood sa telebisyon ay nanatili pa rin siyang isa sa mga Philippine legends. Marami ang nakahalata na si ate Vie daw ay nagpa-blepharoplasty o eyelid cosmetic surgery na naging sanhi ng pagkawala ng pagiging chinita niya.

9. Pops Fernandez (Nose job)
Pops Fernandez
Si Pops ay isang magaling na mang-aawit. Siya ay maganda na mula noon kung ikukumpara sa iba. Ngunit parang hindi pa siya kuntento sa kaniyang itsura kaya naman ay dumaan siya sa hibernation at dumaan rin sa ilang surgical procedures upang ma-achieve ang look na inaasam niya. Noong isinapubliko niya ang naging resulta ng surgeries, naging mas maganda siya at nagkaroon rin siya ng pagkakataon na maging model sa cover page ng FHM magazine.

10. Arci Muñoz (Facial)
Arci Muñoz
Isa si Arci sa mga lead vocalist ng Phila band, maganda rin ang kaniyang katayuan at magaling sa fashion sense. Kung tutuusin ay isa si Arci Muñoz sa mga pinagpala ng Maykapal dahil sa kaniyang mga katangiang taglay. Ngunit, kinailangan niya pa ring baguhin ang kaniyang sarili noong maaksidente siya na naging sanhi ng sugat at peklat sa kaniyang mukha. Noong nakarecover na siya sa surgery, nakita natin ang kakaibang mukha ni Arci na maganda at lumabas na rin siya sa teleseryeng "Pasion de Amor." Malaki ang naging pagbabago niya dahil lalo siyang gumanda matapos siyang dumaan sa surgery.



Ngunit kamakailan lang ay naging usap-usapan siya sa internet dahil sa larawang lumabas sa social media na tila ba ay nagparetoke ulit siya. Marami nga ang natawa at nagsabi na tila ba ang kaniyang ilong ngayon ay may pagkakahawig kay Michael Jackson.



Narito ang VIDEO ng mga Celebrities na hindi nyo aakalaing nagpa-RETOKE. Panoorin nyo po...




May kilala pa ba kayong mga Pinoy Celebrities na katulad nila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top