0




Hindi natin maitatanggi na isa si Liza Soberano sa pinakamagagandang artista sa industriya ng showbiz ngayon dahil napakaraming kalalakihan ang nagkakagusto at humahanga sa kaniya dito sa loob at pati na rin sa labas ng ating bansa.

Sa kasalukuyan, pumangalawa si Liza Soberano sa listahan ng TC Candler na "Most Beautiful Faces" noong 2016, dito niya pinatunayan sa lahat na isa siya sa mga pinakamagandang babae sa buong mundo. Maraming artista ang umamin na humahanga sila sa aktres na si Liza dahil sa taglay nitong kagandahan. Hindi lang artista dito sa Pilipinas ang nagkakagusto sa kaniya, pati na rin ang ilan sa mga Hollywood celebrities.

Ang singer na sina Charlie Puth at ang miyembro ng bandang 'The Vamps' na si James Mcvey ay nagpahayag ng kanilang pagkagusto sa American-Filipina actress na si Liza. Si Liza Soberano ay 19 years old lamang. Nakuha niya rin ang puso ng ilang mga Koreano dahil siya ang pinili ng mga ito bilang pinakamagandang aktres dito sa Pilipinas.

Ang kapamilya actress na si Liza Soberano ay kasalukuyang ka-loveteam ni Enrique Gil. Ang kanilang loveteam ay umani ng magagandang papuri galing sa kanilang mga tagahanga.

Sa kabila ng lahat ng papuri na natatanggap ni Liza ay nanatili pa rin siyang humble. Nabanggit niya na gusto niyang mag-iwan ng marka sa mga tao bilang magaling at mahusay na aktres, hindi dahil sa kaniyang magandang pagmumukha.

Narito ang ilan sa mga celebrities na humahanga sa kagandahan ni Liza:

(In no particular order)


1. Enrique Gil
Enrique Gil
Nangunguna sa listahang ito ang kaniyang ka-loveteam na si Enrique Gil. Inamin ni Enrique na mayroong siyang espesyal na pagtingin kay Liza. Pinatunayan nilang dalawa na magaling sila pagdating sa pag-arte sa kanilang teleserye noong 2016 na 'Dolce Amore'.

2. Piolo Pascual
Piolo Pascual
Sa kaniyang TV guesting sa show na GGV, tinanong ni Vice Ganda si Piolo Pascual kung sino sa mga naggagandahang aktres ang kaniyang hinahangaan ngayon. Nakangiti niya namang sinagot ang tanong na binato sa kaniya ni Vice na si Liza Soberano daw ang pinakamagandang babae ngayon sa industriya ng showbiz. Halos kaedad lang ng kaniyang anak na si IƱigo si Liza.

3. Sam Milby
Sam Milby
Ipinahayag ni Sam na humahanga siya sa kagandahan ni Liza Soberano. Si Sam Milby ang isa sa mga ex-boyfriend ng It's Showtime host na si Anne Curtis na pumuri rin sa kagandahan ni Liza.

4. Jason Dy
Jason Dy
Sa kaniyang guesting sa 'Magandang Buhay,' nabanggit ni Jason Dy na si Liza Soberano ang kaniyang celebrity crush. Sinabi niya rin na wala siyang nililigawan ngayon.



5. Makisig Morales
Makisig Morales
Pinuri rin ni Makisig ang kagandahan ni Liza.  "Iba po talaga ang ganda niya." Si Makisig ay ang naging bida sa 'Super Inggo'.

6. Justin Bieber
Justin Bieber
Napakalaking karangalan kay Liza bilang fangirl ng international singer na si Justin Bieber na i-follow back siya ng kaniyang iniidolo sa twitter.



7. James Mcvey ng The Vamps
James Mcvey ng The Vamps
Si Liza Soberano ay fan rin ng The Vamps. Ang isa sa mga miyembro ng banda na si James ay umamin na hinahangaan niya ang aktres. Nakakuha naman ng larawan ang The Vamps member na si James kasama si Liza.

8. Charlie Puth
Charlie Puth
Usap-usapan ang pag-iimbita ng international singer na si Charlie Puth kay Liza Soberano na manoond ng kaniyang concert dito sa Pilipinas. Nabanggit niya rin si Liza sa kaniyang concert.




9. Chainsmokers
Chainsmokers
Ang duo ng Chainsmokers ay tinawag si Liza bilang "hot gal." Nagpost rin sila sa twitter na nasa love triangle sila kasama si Charlie Puth na humahanga rin kay Liza.



10. Teddy Locsin Jr.
Teddy Locsin Jr.
Si Teddy Locsin Jr. ay isang journalist. Siya ay fan ni Liza Soberano at ng teleseryeng 'Dolce Amore.' Sinusuportahan niya rin ang loveteam nina Enrique at Liza na LizQuen.




Marami ang nagkakagusto kay Liza Soberano kaya naman maraming kababaihan ang umaasam ng kagandahan niya . Marami ang nagtatanong nito sa kaniya, "Liza, how to be you po?" .

Narito ang VIDEO ng ilang mga Celebrities na may CRUSH kay Liza Soberano. Panoorin nyo po...




Agree ba kayo na talagang kahanga-hanga ang kagandahan ni Liza Soberano?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top