0




Madalas sa mga artistang napapanood natin sa TV ay maraming kamukha at kahawig. Pinatunayan ng dating segment ng "It's Showtime" na pinamagatang "Kalokalike," na maraming tao sa labas ng showbiz ang dopplegangers at kamukha  ng mga celebrities. Ngunit, mahirap makahanap at makakita ng dalawang artista na magkamukha.

Narito ang listahan ng mga artistang magkakamukha na para bang replika ng bawat isa:

1. Kathryn Bernardo at Nadine Lustre
Kathryn Bernardo at Nadine Lustre
Kilala natin si Kathryn Bernardo sa tawag na "teen queen," mas nakilala at naging sikat siya noong gumanap siya bilang isa sa mga lead role ng teleseryeng "Mara Clara" na kung saan ay gumanap siya bilang si Mara.

Si Nadine naman ay isang singer at aktres, sumikat siya sa kaniyang pinakaunang lead role sa pelikulang "Diary Ng Panget". Si James Reid ang kaniyang on-screen partner at real life boyfriend.

2. KC Concepcion at Jewel Mische
KC Concepcion at Jewel Mische
Si KC ay isang aktres at singer. Siya ang anak ng dating magkasintahang artista na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. 

Si Jewel naman ay isang modelo at aktres. Siya ay nakilala ng publiko noong sumali at manalo siya bilang "Ultimate Sweetheart" sa talent reality show na "Starstruck" sa GMA 7.

3. Morissette Amon at Karen Delos Reyes
Morissette Amon at Karen Delos Reyes
Si Morissette ay isang Filipina singer, na nakakuha ng kasikatan matapos siyang sumali sa unang season ng ABS-CBN talent show na "The Voice Philippines".

Ang kamukha naman ni Morissette ay si Karen, siya ay isang komediyanteng aktres. Si Karen ay sumikat noong lumabas at napanood natin siya sa isa sa mga advertisements ng McDonald's.

4. Angel Locsin at Glaiza De Castro
Angel Locsin at Glaiza De Castro
Si Angel Locsin ay isa sa mga pinakasikat na aktres. Siya ay mas nakilala ng mga netizens noong ginampanan niya ang lead role na si Alwina sa fantasy-themed television series na "Mulawin" noong 2004. 

Nakilala ng mga tao ang artistang si Glaiza De Castro dahil sa kaniyang angking galing sa pag-aarte bilang kontrabida sa maraming televison series ng GMA. Siya ay isang singer at aktres.

5. Sarah Geronimo at Jessica Sanchez
Sarah Geronimo at Jessica Sanchez
Si Sarah Geronimo ay isang magaling at kahanga-hangang aktres at mang-aawit. Siya ay nanalo sa televison contest "Star for a Night back" noong 2003. 

Ang kamukha naman ni Sarah ay si Jessica Sanchez, siya ay isang Filipino-American singer na sumikat sa buong mundo matapos maging ika-eleventh runner-up sa season ng famous talent show na "American Idol.".

6. Bea Alonzo at Bela Padilla
Bea Alonzo at Bela Padilla
Si Bea ay isang Filipino-British na aktres. Nakilala siya ng karamihan sa atin noong ginampanan niya ang role ni Basha sa hit romantic movie na "One More Chance" kasama ang kaniyang on-screen partner na si John Lloyd Cruz.

Ang kaniyang kamukha naman ay si Bela Padilla. Siya ay nagmula sa sikat na pamilyang Padilla. Umani siya ng kasikatan matapos niyang gampanan ang kaniyang role sa teleserye adaption ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsiyano.".

7. Shaina Magdayao at Maine Mendoza
Shaina Magdayao at Maine Mendoza
Si Shaina ay ang nakababatang kapatid ng singer at aktres na si Vina Morales. Si Shaina ay isang modelo at aktres, nagsimula siya sa entertainment industry bilang child star. 

Si Maine Mendoza ay isang artista, siya ay naging patok sa internet at nakuha ang titulong "Dubsmash Queen of the Philippines." Mas kilala siya bilang si Yaya Dub sa kaniyang sikat na "Kalyeserye" na isa sa mga segment ng noontime show na "Eat Bulaga." Siya ang ka-loveteam ni Alden Richards ngayon.

8. Jinkee Pacquiao at Stephany Stefanowitz
Jinkee Pacquiao at Stephany Stefanowitz
Si Jinkee ang asawa ng Pilipinong boksingero na si Manny Pacquiao. Kasalukuyan siyang nagsisilbi sa gobyerno bilang vice governor sa Sarangani, Mindanao. 

Sa kabila nito, si Stephany naman ay isang Filipino-German model at beauty queen. Siya ay kinoronahan bilang Miss Earth Philippines 2012 at pagkatapos nito ay nanalo bilang Miss Earth Air 2012.

9. Bamboo at Chiz Escudero
Bamboo at Chiz Escudero
Si Bamboo ay isang singer at song writer. Sinimulan niya ang kaniyang career sa music industry noong naging lead vocalist siya ng bandang "Rivermaya." Siya ay isa sa mga magagaling na judges sa singing talent show na The Voice Philippines.

Ang kaniyang kamukha naman ay si Chiz Ezcudero na napangasawa ng aktres na si Heart Evangelista. Siya ay isang politician at naging parte ng Senado noong 2007 pa.

10. BB Gandanghari at Bianca Guidotti
BB Gandanghari at Bianca Guidotti
Si Bianca Guidotti ay isang Filipino beauty pageant title holder at fashion model na nagrepresenta ng bansang Pilipinas sa Miss International 2014 sa bansang Japan.

Si Rustom Padilla ay mas kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari. Siya ay isang Filipino transgender na aktor.

11. Frank Drilon at Juana Change
 
Frank Drilon at Juana Change
Si Frank ay isang politician. Kasalukuyan siyang nagsisilbi sa kaniyang ikatlong termino sa senado bilang president pro tempore o senate president. 

Ang kaniyang kamukha naman ay ang komediyanteng artista na si Juana, siya rin ay political activist na ginagamit ang kaniyang pagiging komediyante upang i-promote ang political awareness sa ating bansa.





Post a Comment

 
Top