0




Marami sa atin ang humahanga sa mga artista ngayon dahil sa husay nila sa pag-arte at syempre dahil sa ganda ng kanilang itsura. Ngunit karamihan sa atin ay walang idea kung maganda rin ba ang itsura nila noong mga bata pa sila.

Narito ang mga nakakatuwang lumang larawan ng mga paborito nating mga artista:

1. Ruru Madrid, 19 
Ruru Madrid
Si Ruru Madrid, na ang tunay na pangalan ay Jose Ezekiel Madrid, ay ipinanganak noong December 4, 1997 sa Zamboanga City. Siya ay 2nd year high school sa National Christian Life College sa Marikina City nang sumali siya sa GMA 7 Artista Search Protege noong 2012.

2. Gabbi Garcia, 18
Gabbi Garcia
Si Gabriella Louise Lopez, na mas kilala sa pangalang Gabbi Garcia, ay ipinanganak noong December 2, 1998 sa Makati City. Si Gabbi ay dating beauty pageant winner. Pinasok niya ang showbiz noong 2014 at gumanap siya sa GMA network primetime series na "My Destiny".

3. Alden Richards, 25
Alden Richards
Si Alden ay ipinanganak noong January 2, 1992 sa Laguna at ang kanyang tunay na pangalan ay Richard Faulkerson Jr. Noong teenager pa siya ay sumasali siya sa mga male beauty pageant at nagtrabaho ng part-time bilang commercial model. Noong 2010, nag-audition siya para sa isang acting role sa GMA 7 at natanggap naman siya. Siya ay higit na nakilala sa mga palabas gaya ng "Alakdana", "Tween Hearts", "Karelasyon" at "One True Love" at sa itinuturing na pinakauna niyang pelikula, ang "The Road".

4. Maine Mendoza, 22
Maine Mendoza
Si Maine Mendoza, na Nicomaine Dei Capili Mendoza sa totoong buhay, ay ipinanganak noong March 3, 1995 sa Sta. Maria Bulacan. Si Maine ay nagtapos ng kursong Bachelor's Degree in HRIM major in Culinary arts sa De La Salle College of St. Benilde. Siya ay sumikat matapos siyang madiskubre ng Eat Bulaga noong July 2015 dahil sa kanyang dubsmash videos. Kasalukuyan siyang napapanood sa pananghaliang programa ng GMA Network na Eat Bulaga! bilang isa sa mga co-host ng programa.

5. James Reid, 23
James Reid
Ipinanganak si James Reid noong May 11, 1993 sa Sydney Australia at ang kanyang tunay na pangalan ay Robert James Marquinez Reid. Ang kanyang ama ay Australian at ang kanyang ina ay Filipina. Lumipat sila sa Pilipinas noong siya ay 15 taong gulang. Sumali naman siya sa PBB noong 2010 at nanalo bilang Big Winner. Nakilala rin siya dahil sa kanyang pagganap bilang Spencer Ziff sa "Good Vibes", Cross Sandford sa "Diary ng Panget", at Timothy Odelle Pendleton sa "Talk Back and You're Dead".

6. Nadine Lustre, 23
Nadine Lustre
Si Nadine Lustre, na ang tunay na pangalan ay Nadine Alexis Lustre, ay ipinanganak noong October 31, 1993 sa Quezon City. Nagsimulang pumasok sa showbiz si Nadine sa edad na 9 bilang TV host sa RPN's children oriented show na "Storyland". Sumikat siya sa kanyang pagganap bilang Eya Rodriguez sa pelikulang "Diary ng Panget". Naging kasapi at minsa'y bokalista ng Pop Girls ngunit sa kalaunan ay umalis siya sa grupo at nag-solo. Kinilala lang din dahil sa tambalan nila ni James Reid sa "Diary ng Panget". Kilala ang kanilang tambalan bilang JaDine na pinagsamang pangalan nila. Inamin na rin ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon bago matapos ang kanilang teleserye na "On the Wings of Love".

7. Daniel Padilla, 21
Daniel Padilla
Si Daniel Padilla ay ipinanganak noong April 26, 1995 sa Manila, at ang kanyang tunay na pangalan ay Daniel John Padilla. Siya ay anak ng aktor na si Rommel Padilla at aktres na si Karla Estrada. Noong 2010, nag-audition siya sa Star Magic at naging bahagi ng Star Magic Circle batch 2013. Dahil sa malaking pagkakahalintulad niya sa kanyang tiyuhin na si Robin Padilla na naging tanyag sa imahe nitong bad boy, kadalasan din siyang ikinakabit sa ganitong imahe.

8. Kathryn Bernardo, 20
Kathryn Bernardo
Si Kathryn Bernardo, na ang tunay na pangalan ay Kathryn Chandria Manuel Bernardo, ay ipinanganak noong March 26, 1996 sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Nagsimula siyang mag-artista sa edad na 7 sa ABS-CBN television series na "It Might Be You".



9. Enrique Gil, 24
Enrique Gil
Si Enrique Gil ay ipinanganak noong March 30, 1992 sa Cebu City, at ang kanyang tunay na pangalan ay Enrique Mari Gil. Siya ay may lahing Filipino, Spanish, at German. Siya ay may natural na blonde hair. Noong 2008, naisipan lamang nyang sumali sa commercial modelling ang theater workshop. Pagkatapos noon ay naging bahagi na siya ng Star Magic Circle batch 16. Naging sikat siya sa pagganap bilang Tenten/Simon sa teleseryeng "Dolce Amore".

10. Liza Soberano, 19
Liza Soberano
Si Liza Soberano, na ang tunay na pangalan ay Hope Elizabeth Soberano, ay ipinanganak noong January 4, 1998 sa California, USA. Ang kanyang ama ay Filipino at ang kanyang ina naman ay American. Noong 2008, sa edad na 10, si Liza ay lumipat sa Manila upang makasama ang kanyang ama at iba pang kamag-anak. Nagsimula siyang mag-model sa edad na 12 at pinasok ang pag-aartista noong 2011. Siya ay naging kasapi ng Star Magic Circle 2013. At siya ay higit na nakilala sa kanyang pagganap bilang Agnes Calay sa teleserye na "Forevermore".


Talagang hindi mapagkakaila na ang karamihan sa mga magaganda at gwapong artista ngayon ay super cute talaga noong sila ay mga bata pa.

Narito ang VIDEO ng mga cute na old pictures ng mga paborito nating artista, panoorin nyo po...



Sino para sa inyo ang pinaka cute sa kanila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top