0




Maraming Teen Stars ngayon ang sumisikat dahil sa kanilang kagandahan at kagwapuhan, mayroong talented pagdating sa kantahan, sayawan, at pag-arte. Ngunit hindi lahat sa kanila ay matatalino pagdating sa pag-aaral.

Narito ang listahan ng mga Pinoy Teen Stars na sinasabing pinaka-matatalino ngayong 2017:

(In no particular order)


1. Ryan James Bacalla
Ryan James Bacalla
Ang dating housemate sa Pinoy Big Brother na si Ryan James Bacalla ay isang achiever sa kanyang school. Siya ay honor student at Journalist sa kanilang school paper.

2. Marco Gallo
Marco Gallo
Si Marco Gallo na dati ring housemate sa Pinoy Big Brother ay isang Multilingual, isang kakayahan na hindi nagagawa ng karamihan. Kaya niyang magsalita ng limang language fluently, English, Filipino, French, at Italian.

3. Jimboy Martin
Jimboy Martin
Ang 19-year-old teen actor na si Jimboy Martin ay napaka-talented. Siya ay isang honor student at working student sa high school. Kaya rin nyang mag-rap at magsulat ng mga kanta.

4. Joao Constancia
Joao Constancia
Ang Pinoy Boyband member na si Joao Constancia ay hindi lamang biniyayaan ng kagwapuhan at talent kundi pati na rin katalinuhan dahil siya ang top student sa kanyang school.

5. Kisses Delavin
Kisses Delavin
Ang 17-year-old na si Kisses Delavin, na dati ring housemate sa Pinoy Big Brother, ay nagtataglay ng beauty and brains. Marami na rin siyang napanalunang mga beauty pageants sa kanyang murang edad.

6. Loisa Andalio
Loisa Andalio
Ang 16-year-old Kapamilya Star na si Loisa Andalio ay isang scholar at consistent honor student sa high school sa Paranaque City.

7. Mikee Quintos
Mikee Quintos
Bago pa pumasok sa showbiz ang 19-year-old Kapuso Star na si Mikee Quintos, na nanggaling sa pamilya ng mga Doctors at Lawyers, ay nag-aral muna siya ng Architecture sa University of Santo Tomas.

8. Jameson Blake
Jameson Blake
Ang 19-year-old na si Jameson Blake ay hindi lamang isang talented dancer kundi magaling din siya sa school. Siya ay isa ring honor student sa kanyang school at gusto niyang kumuha ng Accountancy sa college.


9. Vivoree Esclito
Vivoree Esclito
Sa kabila ng panunukso sa kanya sa school dahil sa meron siyang konting bigote, ang 16-year-old na si Vivoree Esclito, na dati ring housemate sa Pinoy Big Brother, ay pinatunayan sa lahat ang kanyang kakayahan sa pananatili bilang honor student sa kanyang school.

10. Bea Binene
Bea Binene
Ang 19-year-old Kapuso teen actress na si Bea Binene ay nakakuha ng 99% sa kanyang National College Assessment Examination, siya ang pinakamataas ang score sa buong NCR na kumuha ng exam.


Hindi lahat ng teen stars ay nagiging mapalad sa larangan ng showbiz, kaya malaking bagay pa rin ang edukasyon para sa mas ikauunlad ng kanilang kinabukasan.

Narito ang VIDEO ng mga Pinoy Teen Stars na sinasabing pinaka-matatalino ngayong 2017. Panoorin nyo po...



May kilala pa ba kayong matatalinong teen stars na katulad nila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top