0




Marami sa mga artistang hinahangaan natin ngayon ay nakaranas ng paghihirap bago nila nakamit ang kanilang mga pangarap na maging isang magaling at sikat na artista.

Nakaranas sila ng paghihirap at sakripisyo dahil noon pa man ay gusto na nilang magkaroon ng magandang buhay.

Naging kabilang sa listahang ito ang mga komediyante, aktor at pulitiko, at pati na rin ang mga sikat na aktres.

Alam nating lahat na makulay at masagana ang buhay ng mga artista. Kung ikukumpara sa ibang Pilipino na nagtatrabaho, ang kanilang suweldo sa isa o higit pang project ay katumbas na ng isang taong suweldong natatanggap ng ordinaryong Pilipino. Isa pa sa nagpapayaman sa mga artista ay ang kanilang mga endorsements at naglalakihang billboards. 

Bago nila nakuha ang katayuan nila ngayon, dumaan muna sila sa sakripisyo at paghihirap. Hindi naging madali para sa kanila na makuha ang inaasam ng lahat, ang maging artista.

Ito ang sampung artista na naging inspirasyon sa lahat na magpursigi sa buhay upang magkaroon ng magandang buhay:

(In no particular order)


1. Nora Aunor
Nora Aunor
Siya ay isang 'Philippine Superstar' at hindi makakalimutan ang kaniyang pangalan ng sino man sa atin dahil nakatatak na siya sa industriya ng showbiz dahil sa kaniyang angking galing sa larangan ng pag-arte. Ang kaniyang pagiging sikat ay hindi nagtapos dahil inilabas niya rin ang kaniyang talento sa pagkanta. Ngunit, sino kaya ang mag-aakala na si Nora Aunor ay natitinda ng mani at bottled water sa mga train stations.

2. Isko Moreno
Isko Moreno
Ibinahagi ni Isko Moreno sa kaniyang political campaign na nakaka-relate siya sa buhay ng kahit anong klaseng tao, lalo na sa taong mahihirap. Sa edad na 10 ang dating artistang si Isko ay nagtutulak at naglilibot ng kariton para magkolekta ng mga diyaryo at bote upang ipagbili ito sa junk shops. Tumutulong rin siya sa kaniyang ina upang maghanap ng tira-tirang pagkain para kainin nila. Nag-bago at umangat ang kaniyang buhay simula noong nagsimula siyang pumasok sa mundo ng showbiz at naging artista.

3. Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado
Naging sikat siya noong nanalo siya sa reality show na "Starstruck" sa TV network na GMA ngunit lalo siyang naging usap-usapan ng mga netizen nang ibinahagi niya sa publiko na isa siyang 'battered child.' Naging masama ang turing sa kaniya ng kaniyang amain, ginagamitan daw siya nito ng napakainit na plantsa sa likod, sinusunog ang kaniyang balat gamit ang sigarilyo. Ngayon, ang kapuso star na si Jennylyn ay namumuhay na ng masaya kasama ang kaniyang anak at ang kaniyang tita na nagtanggol sa kaniya laban sa kaniyang amain.

4. Richard Gomez
Richard Gomez
Ang Mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez ay kabilang sa most iconic faces ng showbiz industry kahit siya ay 50 taong gulang na. Dati siyang nagtitinda ng burger at fries sa isang restaurant. Isa na siya ngayong aktor, model, at athlete rin siya mula noon hanggang ngayon.

5. Marvin Augustin
Marvin Augustin
Pareho sila ni Jericho Rosales ng napagdaanan, pumasok rin siya ng napakaraming trabaho upang makapag-ipon ng pera at matustusan ang kaniyang pamilya. Naging trabaho niya ang pagsusuot ng mascot, clerk sa isang video store, at waiter. Malayo sa kaniyang nakaraan, isa na siyang entrepreneur bukod sa pagiging aktor, nagtayo na rin siya ng entrepreneur school para sa mga batang naghahangad ng kanilang sariling negosyo.

6. Jericho Rosales
Jericho Rosales
Dating nagtitinda si Jericho ng isda upang makatulong siya sa kaniyang ina na tindera rin sa pampublikong palengke. Dati rin siyang service crew at driver. Lahat ng trabahong kaya niya ay pinapasukan niya upang kumita ng pera, maging ang segment ng 'Eat Bulaga' na "Mr. Pogi" ay pinasok niya rin. Noong sumali siya sa segment na iyon ay umani siya ng papuri galing sa publiko. Si Jericho Rosales ay happily married na sa isang Australian model na si Kim Jones.

7. Ai-ai delas Alas
Ai-ai delas Alas
Siya ay kilala sa titulong "Philippine Queen of Comedy." Kasulukuyan nating napapanood si Ai-ai sa GMA's Sunday variety show na 'Sunday Pinasaya.' Ngunit bago ang lahat ng iyan, naging isa muna siyang saleslady sa isang department store. Siya ay matalino at magaling sa pagpapatawa kaya naman ay sumali siya sa mga stand-up comedy show sa Manila at pagkatapos nito ay naging artista siya.

8. Willie Revillame
Willie Revillame
Bago pa man magkaroon ng sariling yate, sariling private plane, buildings, at maraming real estate properties si Willie Revillame ay naging sidekick muna siya. Hindi niya naman ikinahihiya ang kaniyang naging paghihirap sa nakaraan at sa halip ay lagi niya pa itong nababanggit sa kaniyang TV show kaya naman ang kaniyang manonood ay nakakapulot ng aral at nagiging inspirado na magpursigi sa buhay.


9. Coco Martin
Coco Martin
Ang aktor na si Coco Martin ay nakapagtapos sa kolehiyo ng Hotel and Restaurant Management o HRM bago siya maging isang waiter. Humangad siya na magkaroon ng maginhawang pamumuhay ang kaniyang pamilya kaya naman ay nagtrabaho siya sa Canada bilang caregiver. Pagkatapos niyang ma-realize na ang kaniyang true calling ay ang pag-arte, agad siyang pumunta at bumalik ng Pilipinas. Simula noon ay napapanood na natin siya sa mga indie scenes. Ngayon, isa na siya sa mga mataas na binabayaran na aktor ng ABS-CBN, kasalukuyan ring siyang bumibida sa top-rating na TV series na 'Ang Probinsyano'.

10. Vice Ganda
Vice Ganda
Ang komediyanteng si Vice Ganda ay nagagawang patawanin ang madla dahil sa kaniyang nakakatawang jokes. Hindi naging maganda ang buhay ni Vice Ganda noong hindi pa siya sikat. Ngunit, hindi niya naman ipinagkakahiya ang kaniyang naranasan noon bago pa siya maging artista. Nabanggit niya na dati siyang nagtitinda ng bottled-water upang makaipon ng pera. Ngayon, siya ay isa ng blockbuster-artist at host sa noontime show na 'It's Showtime.' Patuloy niyang pinapatawa ang mga madla at isa rin siyang inspirasyon sa mga manonood.


Maraming pwedeng maging paraan ang isang tao upang maging artista. Isa na dito ang pagsali sa mga TV reality shows na makikipaglaban-laban sa ibang kalahok nito. Pwede rin namang madiskubre ng mga talent managers sa pampublikong lugar tulad ng mall, bar, at restaurant.

Narito ang VIDEO ng mga Pinoy Celebrities na sinasabing dumaan sa paghihirap bago maging Artista. Panoorin nyo po...



May kilala pa ba kayong mga artista na katulad nila?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW!



Post a Comment

 
Top