0




Habang maraming tao ang nangungutya sa mga artistang pinapaayos o pinaparetoke ang ilang bahagi ng kanilang katawan, may ilang mga artista pa rin ang sumasailalim dito at hindi nila ito ikinahihiya.

Ang iba namang artista na nagparetoke ay hindi umaamin dahil sa natatakot sila sa sasabihin ng iba.

Narito ang 10 Pinoy Celebrities na matapang na umamin na sila ay nagparetoke:

1. Charice - Jake Zyrus 
Charice - Jake Zyrus
Ang International Singing Sensation na si Charice na Jake Zyrus na ngayon ay dumaan sa Botox at Thermage procedures upang maging mas maliit ang kanyang mukha sa harap ng telebisyon.

2. Rufa Mae Quinto
Rufa Mae Quinto
Noong 2015, ibinunyag ng komedyante at sexy actress na si Ruffa Mae Quinto na ipinatanggal niya ang kanyang breast implant dahil sa pananakit nito ng halos isang taon.

3. Lani Misalucha
Lani Misalucha
Sa isang newspaper interview, inamin ng singer na si Lani Misalucha na ipinaretoke niya ang kanyang ilong, eyebags, at ngipin.

4. Ethel Booba
Ethel Booba
Ibinunyag ni Ethel Booba sa isang interview na nakahiligan na niya ang plastic surgey kung kaya't marami na rin siyang naiparetoke sa kanyang katawan, ilan dito ay ang kanyang ilong, pisngi at iba pa.

5. Kitkat
Kitkat
Ang TV Comedienne na si Kitkat ay proud na umamin na siya ay sumailalim sa liposuction, breast enhancement, at nagparetoke rin ng ilong.

6. Nathalie Hart
Nathalie Hart
Ang magandang aktres na si Nathalie Hart, na unang nakilala bilang si Princess Snell, ay umamin sa isang interview na sumailalim din siya sa isang breast enhancement procedure.

7. Jinkee Pacquiao
Jinkee Pacquiao
Sa isang TV interview, inamin ni Jinkee Pacquiao na sumailalim siya sa isang liposuction upang maalis ang mga unwanted fats sa kanyang tiyan at braso matapos ang kaniyang panganganak sa kanilang ikatlong baby.

8. Jonalyn Viray
Jonalyn Viray
Matapang namang inamin ni Jonalyn Viray na nagparetoke siya ng ilong noong siya ay 15 taong gulang pa lamang. Samantala, nilinaw naman niya na hindi na siya muling magpaparetoke pa.

9. Angeline Quinto
Angeline Quinto
Inamin din ng singer na si Angeline Quinto na sumailalim siya sa double eyelid surgery upang maalis ang pagiging "sad looking" ng kanyang mga mata. Siya ay nagpa-liposuction din para sa kanyang braso at likod.

10. Vice Ganda
Vice Ganda
Inamin ng "It's Showtime" host na si Vice Ganda na sumailalim siya sa hips enhancement upang makapag-suot siya ng mga more revealing outfits sa kanyang mga shows.

Alam nating maraming tao pa rin ang hindi sang-ayon sa pagpaparetoke ngunit wala naman tayong magagawa kung gusto ng isang tao na ayusin o iparetoke ang kahit alin mang bahagi ng kanyang katawan dahil desisyon niya yon at wala tayong karapatang makialam sa katawan nila.


May kilala pa ba kayong ibang celebrities na nagparetoke din?

POST YOUR REACTIONS ON THE COMMENT BOX BELOW





Post a Comment

 
Top