0




Maniniwala ka ba na ang mga nag-gagandahang celebrities na ito ay miyembro ng 'No Boyfriend Since Birth'? Tulad mo, hindi rin kami makapaniwala dahil nakakapagtaka kung bakit pa rin sila nasa listahan ng NBSB sa kabila ng kanilang taglay na kagandahan. 

Ilan sa mga young at beautiful female celebrities na sikat ngayon ay umamin na sila daw ay hindi pa kailanman nagkakaroon ng boyfriend mula pa noong ipinanganak sila. Ang iba sa kanila ay naging usap-usapan na mayroon ng naging karelasyon, ngunit agad naman nila itong itinanggi. Kilalanin natin kung sinu-sino ang mga artistang NBSB:

1. Devon Seron
Devon Seron
Si Devon ay 22 taong gulang na, ngunit inamin niya na sa edad niyang iyan ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. Sinabi niya na siya ay isang NBSB nang pumirma siya ng kaniyang kontrata sa Regal noong 2016. Isa sa mga naging rason ng kaniyang pagiging NBSB ay ang pagkakaroon ng striktong magulang. Ipinaliwanag niya rin na ang kaniyang atensiyon ay naka-focus muna sa kaniyang acting career.

2. Ritz Azul
Ritz Azul
Isinapubliko ni Karen Reyes sa isa sa mga episodes ng Magandang Buhay noong January ngayong taon na ang status ng kaniyang kaibigan na si Ritz ay NBSB. Siya ay 23 taong gulang na. 

“Yung iba nagtataka, iniisip nila kung tomboy ako. Hindi naman ako tomboy, nagkaka-crush naman ako sa mga lalaki,” sabi ni Ritz sa isang interview.

3. Kiray Celis
Kiray Celis
Kilalang-kilala natin si Kiray dahil napapanood natin siya dati sa weekly show na Goin' Bulilit. Nabanggit ni Kiray sa kaniyang guesting sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) na hindi pa siya nagkakaboyfriend. Sa edad na 21, siya pa rin ay nananatiling NBSB.

4. Loisa Andalio
Loisa Andalio
Ang young female celebrity na si  Loisa ay inamin sa isang interview ng ABS-CBN Entertainment na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend since birth. Ngunit, hindi niya naman binanggit kung ano nga ba ang rason kung bakit siya nanatiling NBSB.

5. Kristel Fulgar
Kristel Fulgar
Sa isa sa mga episodes ng morning show na 'Magandang Buhay', inamin ni Kristel Fulgar na isa siya sa mga miyembro ng NBSB. Siya ay 21 taong gulang na.

6. Thea Tolentino
Thea Tolentino
Naging usap-usapan na nagkaroon sila ng relasyon ng kaniyang on-screen partner na si Jeric Gonzales, ngunit agad niya naman itinanggi ang balitang ito at sinabing hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.

7. Janella Salvador
Janella Salvador
Si Janella ay 18 taong gulang na. Sa kaniyang guesting sa TWBA, sinabi niya na hindi pa siya handa sa commitment. Inamin rin niya noong press conference ng kaniyang nakaraang teleseryeng 'Born For You' na hindi pa siya kailanman nagkaka-boyfriend.

8. Julia Barreto
Julia Barreto
Kinumpirma ng Kapamilya actress na si Julia na siya ay NBSB. Sa kabila ng kaniyang pagiging NBSB, nabanggit niya na may mga lalaking nanligaw sa kaniya dati ngunit wala siyang sinagot sa mga ito dahil hindi pa daw siya handang pumasok sa isang relasyon.

9. Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo
Si Kathryn ay 20 taong gulang na. Sa kaniyang edad ngayon ay wala pa siyang nagiging opisyal na boyfriend. Usap-usapang boyfriend niya raw ang kaniyang on-screen partner na si Daniel Padilla. Ngayon, hindi pa rin nila inaamin ang real score sa kanilang dalawa sa publiko.

Siya ay isang NBSB ngunit hindi siya ang nagdesisyon nito, sa halip ay ang kaniyang ka-love team na si Daniel ang pumili na manatili siyang NBSB.

 "Hindi pa pwede," sabi ni Daniel. Sinabi niya rin na wala pa sa tamang edad si Kathryn para pumasok sa isang seryosong relasyon.

10. Liza Soberano
Liza Soberano
Siya ay kasalukuyang ka-love team ni Enrique. Marami ang nag-aakala sa atin na may relasyon na sila ng kaniyang ka-love team dahil sa kanilang pagiging malapit at sweet sa isa't isa. Si Liza ay 19 years old na. Sinabi niya sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice (GGV) na pumirma siya ng kontrata at sumang-ayon sa kaniyang talent manager na si Ogie Diaz na bawal pa siya magka-boyfriend.

“I’m still a kid,” sabi niya. Hindi pa raw siya handa na magkaroon ng relasyon sa kahit sinong lalaki.





Post a Comment

 
Top