0




Gusto nyo bang makita kung ano ang maaaring maging itsura ng mga paborito nyong artista kapag sila ay tumanda na?

Sa panahon ngayon, marami nang makabagong teknolohiya lalo na pagdating sa mga gadgets tulad ng cellphones, tablets at mga PCs. Isa na rito ang iba't ibang klase ng mga Apps na maaari mong i-download, tulad ng mga Apps na may kakayahang iedit ang mga larawan. Maari mong iedit ang iyong larawan upang pagandahin, papayatin o patabain, pabatain o patandain, at marami pang iba.

Gamit ang isang Mobile App, sinubukan naming patandain ang 20 larawan ng mga sikat na artsita ngayon. 

Narito ang mga larawan na aming pinatanda, mag-comment na lang kayo sa ibaba kung ano ang masasabi nyo:

1. Heart Evangelista
Heart Evangelista
Si Love Marie Payawal Ongpauco, mas kilala sa pangalang Heart Evangelista, ay isang Chinese Filipino at ipinanganak noong Pebrero 14 1985. Siya ay naging kilalang aktres, mang-aawit, modelo at VJ sa Pilipinas. Sa hilig nya sa pag-awit ay nakapag-release na rin siya ng isang solo album. Mahilig din siyang magpinta at mayroon din siyang mga sariling artshows sa iba't ibang Galleries. Nito lamang, nakapaglathala siya ng kauna-unahan nyang aklat,  This is Me, Love Marie, na nagsasalarawan ng kanyang buhay.

2. Dingdong Dantes
Dingdong Dantes
Si José Sixto Gonzales Dantes III ngunit mas kilala ng mga tao bilang si Dingdong Dantes ay isa sa mga pinakamahusay at pinakasikat na aktor sa Pilipinas. Dahil dito, siya rin ay kabilang sa mga malalaki ang sinusuweldo na artista sa bansa. Bukod sa pag-arte, nakilala rin siya sa pagsayaw at paghohost sa telebisyon, at pagdidirek. Siya ay nasa loob ng bakuran ng GMA.

3. Marian Rivera
Marian Rivera
Si Marian Gracia Dantes (Marian Gracia Rivera) mas kilala bilang Marian Rivera sa larangan ng syobis ay isang aktres sa GMA-7. Nagsimula si Marian sa pagpasok sa syobis nang siya ay maging modelo sa mga patalastas at maging sa mga magasin. Kabilang na rito ang mga patalastas sa telebisyon, na Skin White Lotion at Sky Flakes Crackers. Mas nakilala siya sa pagganap bilang Mari Mar nang isalin ito sa Filipino mula sa orihinal na Mehikanong lenguwahe nito.

4. JC de Vera
J.C. de Vera
Si John Carlo de Vera, na mas kilala sa kayang screen name na J.C. de Vera/Yuer ay ipinangank noong March 10, 1986. Siya ay isa sa mga magaling na aktor, host at modelo. Pagkatapos niyang pumirma sa isang dalawang-taong kontrata sa ABS-CBN noong Hulyo 29, 2013, ang kanyang career ay bumalik sa kasikatan dahil sa pagganap niya sa sikat na primetime series na "The Legal Wife" na pinagbibidahan din ni Angel Locsin, Jericho Rosales at Maja Salvador.

5. Angel Locsin
Angel Locsin
Si Angelica Colmenares, mas kilala sa pangalang Angel Locsin, ay isa sa mga mahuhusay na aktres, commercial model, at fashion designer. Nagsimula ang kanyang kasikatan ng makasali siya sa fantasy-themed television series na "Mulawin" noong 2004. Sumunod dito ay gumanap din siya bilang superheroine na "Darna" sa TV adaptation ng Mars Ravelo comics na nagbigay sa kanya ng higit pang katanyagan.

6. Enchong Dee
Enchong Dee
Si Ernest Lorenzo "Enchong" Velasquez Dee (ipinanganak Nobyembre 5, 1988) ay isang artista, modelo, at manlalangoy sa Pilipinas. Si Dee ay isang contract artist ng Star Magic ng ABS-CBN. Siya ay naging prominente pagkatapos niyang magbida sa kanyang unang major TV drama na "Katorse" noong 2009. Ginampanan niya ang papel bilang si "Luis" sa isang Filipino remake ng "Maria la del Barrio" noong 2011.

7. Julia Baretto
Julia Baretto
Si Julia Francesca Barretto Baldivia, mas kilala bilang Julia Barretto ay isa sa mga inaalagaan ng ABS-CBN at Star Magic. Si Julia ay anak ng aktor/komedyanteng si Dennis Padilla at ng aktres na si Marjorie Barretto. Ipinanganak noong Marso 10, 1997. Mayroon siyang tatlong kapatid, sina Aynrand Daniella Barretto Legaspi, Claudia Isabelle Barretto Baldivia at Leon Marcux Barretto Baldivia.

8. Gerald Anderson
Gerald Anderson
Si Gerald Randolph Opsima Anderson, Jr. (ipinanganak noong 7 Marso 1989) ay isang Pilipino-Amerikanong artista sa Pilipinas. Una siyang nakita sa reality-show na Pinoy Big Brother: Teen Edition at isa siya sa Big 4 ng programa. Siya ang tinaguriang "Ang Amboy Hottie from Gen San" at Dance Heartthrob sa palabas. Katambal niya si Kim Chiu na kasama niya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition. Naging tanyag din siya dahil sa dramang pantelebisyong "Sana Maulit Muli".

9. Kim Chui
Kim Chui
Si Kimberly Sue Yap Chiu (ipinanganak noong Abril 19, 1990) ay isang Pilipinong Tsino na artista. Siya ang unang nanalong kalahok sa Pinoy Big Brother: Teen Edition, isang reality-show na ipinalabas sa Pilipinas. Siya ang tinaguriang "Chinese Cutie mula sa Cebu" ng palabas. Inawit niya sa palabas pantelebisyong ito ang awiting "Peng You" na nangangahulugang kaibigan. Ipinanganak si Kim sa Lungsod ng Tacloban, Leyte. Lumaki at nagdalaga si Kim sa Lungsod ng Cebu.

10. Coco Martin
Coco Martin
Si Rodel Nacianceno, mas kilala bilang si Coco Martin, ay isang kilalang artista sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga obra ay ang mga malayang pelikulang "Masahista" at "Daybreak" pati na rin ang teleseryeng "Tayong Dalawa" at "Minsan Lang Kita Iibigin". Sa kasalukuyan, Si Coco ay nakatanggap na ng ilang mga parangal mula sa iba't-ibang kilalang samahan, kabilang na ang Gawad Urian at KBP Golden Dove Awards.

11. Sarah Geronimo
Sarah Geronimo
Si Sarah Asher Tua Geronimo, na kilala rin bilang si Sarah G., ay isang singer, dancer, songwriter, record producer, actress, brand ambassador at television personality. Kilala siya ng marami bilang  "Popstar Royalty" at "Philippines' Ultimate Pop Superstar". Ang kanyang kontribyusyon sa musika pati na rin sa pelikula at telebisyon ang nagbigay sa kanya ng lubos na kasikatan mula 2000 hanggang 2010..

12. John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz
Si John Lloyd Espidol Cruz (ipinanganak Hunyo 24, 1983) ay isang sikat na artista, modelo, at paminsan-minsang TV host. Nagsimula ang kanyang karera sa kanyang pagaganap sa maraming teen-oriented na pelikula at mga palabas sa TV. Si Jogn Lloyd ay miyembro din ng Star Magic ng ABS-CBN, kung saan siya ay isang alumnus ng Batch 5. Isa rin soya sa mga bida ng teen drama na "Tabing Ilog". Mas higit siyang nakilala sa mga soap operas gaya ng "It Might Be You", "Maging Sino Ka Man", "I ♥ Betty La Fea", and "Imortal".

13. Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo
Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo na mas kilala bilang Kathryn Bernardo, (ipinanganak Marso 26, 1996) ay isang kilalang aktres at iniidolo ng mga kabataan ngayon. Nakilala siya ng lubos noong gumanap siya bilang Mara sa primetime Filipino drama na "Mara Clara". At ngayon ay hinahangaan sa magaling niyang pagganap bilang Malia sa isang horror-fantasy drama television series na "La Luna Sangre".

Narito pa ang ilan pang mga sikat na artista na pinatanda ang mga larawan gamit ang isang mobile App.

14. Daniel Padilla
Daniel Padilla

15. Shaina Magdayao
Shaina Magdayao

16. Piolo Pascual
Piolo Pascual

17. Maja Salvador
Maja Salvador

18. Sam Milby
Sam Milby

19. Anne Curtis
Anne Curtis

20. Janella Salvador
Janella Salvador


Post a Comment

 
Top