0




Maraming storya sa likod ng kamera at karamihan sa kuwentong iyon ay karapat-dapat nating malaman dahil tungkol ito sa mga buhay ng mga artistang paborito at iniidolo natin. Para sa ibang tao, pumasok ang mga artista sa mundo ng entertainment showbiz upang magkaroon ng magandang pamumuhay, social influence, maging sikat sa publiko, at sa praktikal na dahilan, ang magkaroon ng maraming pera.

Sa kabila ng lahat, iba-iba ang rason ng mga artista kung bakit nila tinahak ang mundo ng showbiz. Ang alam ng iilang netizens ay galing sila sa mga talent shows, reality TV shows at nadiskubre ng mga talent scouts na naglilibot sa ating bansa upang mahanap ang susunod na magiging 'big star'. Ngunit hindi alam ng iba sa atin na ang mga artistang sikat na sikat na ngayon ay nagsimula muna sa pagiging extra at sa mga cameo roles, ang iba naman sa kanila ay ginamit ang kanilang mga family name na kilala ng publiko at pati na rin ang kanilang reputasyon upang maging parte ng mundo ng showbiz. Ilan rin sa mga artista ngayon ay mayayaman na at maganda na ang pamumuhay bago pa pumasok sa pag- aartista, sila ay maraming ari-arian sa loob at labas ng ating bansa. Ang iba sa mga mayayamang artista ngayon ay mayaman na simula pa noong bata pa sila.

Nandito sila sa listahang ito, kilalanin natin kung sino-sino ang mga artistang ito!

1. Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli
Si Gianmatteo Vittorio Guidicelli ay ipananganak sa lungsod ng Cebu. Siya ay isa sa tatlong anak nina Gianluca Guidicelli na isang Italiano at ni Glenna Fernan na isa namang Filipino. Ang kanilang lolo ay ang dating senador na si Chief Justice Marcelo Fernan. 

Ang amang italyano ni Gianmatteo Vittorio Fernan Guidicelli ay nagtatrabaho sa isang manufacturing business. Ang kaniyang ama ay nagtagumpay sa kaniyang trabaho kaya naman ay nakapag-aral si Matteo sa isa sa mga mamahaling eskwelehan sa Manila. Si Matteo ay tinahak rin ang kaniyang career sa pagkakarera ng mga sasakyan na alam naman nating nagkakahalaga ng maraming pera sa pagtupad nito. 

Si Matteo Guidicelli ay nakilala natin sa kaniyang racing career, nagsimula siya sa pagkakarera noong siya ay 11 taon pa lamang. Marami na siyang napanalunan na award, isa na dito ang pagiging three- time winner ng Karter of the Year award.

Nagpakita siya ng interes sa pag-aakting noong dumadalo siya sa mga acting workshops sa New York Academy. Noong lumipat siya ng Pilipinas, nag- aral siya ng mga course tungkol sa theatre sa Brent International School at sumali rin siya doon sa mga dula-dulaan. Siya rin ay nag- aral ng B.A. in performing arts in the field of musical theatre sa Columbia College sa Chicago sa loob ng dalawang taon. 

Nagsimula ang kaniyang acting career noong maging parte siya ng sitcom na Go Kada Go. Siya rin ay kasali sa pelikulang Kung Fu Kids. Nang sumunod na taon siya rin ay naging cast ng Filipino soap opera na 'Ligaw na Bulaklak'.

Kasalukuyan siyang miyembro ng ABS-CBN Star Magic. Inilabas na rin ng Star Records ang kaniyang unang single na "Someone Like You" na puwedeng idownload sa internet.

Noong 2011, siya ay naging host ng noon time show na "Happy Yipee Yehey!" Gumanap si Matteo bilang Vito sa "Catch Me, I'm in Love". Naging isa siya sa mga  leading men ni Kim Chiu sa teleseryeng "My Binondo Girl." Noong 2012 naman ay bumida siya sa kaniyang pinakaunang pagganap sa pelikulang pinamagatang "My Cactus Heart.".

2. Denise Laurel
Denise Laurel
Si Denise ay nagmula sa Laurel clan, ang clan na binubuo ng mga politicians. Ang kaniyang lolo na si Salvador Laurel ay dating Vice President noong si Corazon Aquino ang presidente sa ating bansa at ang kaniyang ninuno na si Jose P. Laurel ay ang naging pangatlong pangulo ng Pilipinas. Ang kaniyang tito na si Cocoy ay iniidolo ng publiko pagdating sa pelikula at mga telesrye dahil sa galing nito sa pag-arte, ito rin ay naging kapareha na ni Nora Aunor sa isang pelikula. Ang fashion designer rin na si Rajo Laurel ay ang kaniyang pinsan. 

Si Denise Laurel ay nadiskubre ng Star Magic big boss na si Mr. M (Johnny Manahan) sa isang play ng Repertory Philippines. Siya ay maswerteng binigyan ng break na maging parte ng Ang TV 2, siya rin ay gumanap bilang anak ni Ina Raymundo sa teleseryeng Pangako Sa' Yo.

Siya ay naging sikat sa Singapore noong maswerte siyang naging parte ng MTV Asia's Rouge, na kung saan ay pinapakita at pinapanood sa buong Asya. Sa lahat ng nag- audition siya ang nagstand-out at napili na gumanap bilang smart lead vocalist na nagngangalang Pat. Sa edad na 16, nakatulong sa kaniyang pag-aarte ang iba't ibang nationalities na nakatrabaho niya dahil siya ay tinuruan ng mga ito sa mga bagay na alam nila. Pagkatapos ng season ng MTV Asia Rouge, siya ay nagdesisyon na magpokus na lamang sa kaniyang local showbiz career. 

Noong bumalik siya ng Pilipinas, siya ay naging parte ng teen-oriented show na Click, Walang Hanggan at Leya, at dalawang telefantasyas na Mulawin at Encantadia.

Siya rin ay bumalik sa TV network na ABS-CBN. Siya ay bumida sa Abt Ur Luv, at sa ikalimang season ng Komiks, na kung saan ay gumanap siya bilang Engkantao. Noong 2008, siya ay nakasama sa Precious Hearts Romances Presents series. Siya rin ay bumida sa apat na series adaption: Bud Brothers, You're Mine, Only Mine, Midnight Phantom at Kristine. Nakakuha siya ng mga parangal noong sinimulan at makabilang siya sa mga series na iyon. 

Noong 2013 naman ay siya ay gumanap na antagonist sa huling PHR series na Paraiso, pagkatapos nito siya ay naging parte ng pre-primetime family drama series na Annaliza, umere ang teleseryeng ito hanggang March 2014, siya ay gumanap doon bilang si Isabel.

3. Beauty Gonzales
Beauty Gonzales
Si Christine Marie Gonzales ay dating PBB housemate, siya ay galing sa politikal na pamilya. Ang kaniyang ama ay dating professional Jai Alai player sa bansang Spain. Siya ay namuhay sa kanilang coconut at sugarcane farm ng kanilang pamilya, si Beauty ay lumaki na walang pinoproblema at siya ay napagkakamalang tomboy dahil sa pakikipag- usap sa kanilang mga magsasaka. Marami ang humusga sa kaniya sa kaniyang pagiging "unlady like", ngunit iniba ni Beauty Gonzales ang opinyon ng publiko sa kaniya noong siya ay naging cover ng mga sexy magazines.

Si Beauty ang pinaka-unang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus housemate na umere sa mga teleserye pagkatapos ng paglabas niya sa bahay ni Kuya. Ang kaniyang biggest break ay noong siya ang maging leading lady ni Zanjoe Marudo sa teleseryeng "Dream Dad." Hindi inaasahan ang success ng kanilang loveteam ni Zanjoe Marudo, tinawag pang "BaLex" ang kanilang tandem na hango sa combination ng pangalan ng kanilang characters na pinagbibidahan na sina Baste at Alex sa teleserye. Siya ang naging magazine cover ng FHM Philippines noong 2014.

4. Ellen Adarna
Ellen Adarna
Ang pamilya nina Ellen Adarna ay nagmamay-ari ng mga motel sa lungsod ng Cebu. Ngunit, pinili niyang mamuhay ng mag-isa noong mayroong hindi siya pagkakaintindihan sa kaniyang ama. Ang tagapagmanang ito ay ginamit ang kaniyang mga naging training galing sa business ng kaniyang pamilya upang makapaghanap ng trabaho sa Manila, at ng lumaon ay sa Showbiz.

Siya ay nasa ilalim ng kontrata ng ABS-CBN Star Magic simula pa noong 2013. Si Ellen ay makikita natin sa mga magazine covers dito sa Pilipinas tulad ng Candy, FHM, Esquire, UNO, Preview, Speed, at Women's Health. Si Ellen Adarna ay sumikat sa kaniyang mga boxing videos na inupload sa Youtube.

5. Solenn Heussaff
Solenn Heussaff
Ang ama ni Solenn ay dating French Marine, at namumuno ng service company sa petroleum industry. Siya rin ang kapatid ng fiance ni Anne Curtis na si Erwann Heussaff. Pagkatapos niyang makapagtapos sa European International School, si Solenn ay pumunta sa Paris upang mag-aral ng fashion design at pagkatapos naman nito ay kumuha siya ng anim na buwan na course sa make up kasali na dito ang mga special effects sa prothetics.

Ine-enjoy na ngayon ni Solenn ang kaniyang tagumpay sa personal at professional niyang buhay. Siya ay happily married na ngayon at siya rin ay nag-launch ng libro na may pamagat na "Besties".

6. Maine Mendoza
Maine Mendoza
Siya ang nag- iisang "Yaya Dub" ng Aldub Nation. Si Maine Mendoza ay isa sa mga artista na nagmula sa mayayamang pamilya. Ang kaniyang pamilya ay nakatira sa napakalawak at mamahaling mansiyon sa Bulacan. Ang kaniyang magulang ay mayroong stable na business, na kung saan ay namuhay sila ng masagana. Si Maine ay nag-aral sa isa sa mga kilalang University dito sa Pilipinas, sa De La Salle College of St. Benilde. Siya ay nag OJT sa isa sa mga five-star hotel sa New York City. 

Ngayon siya ay nakakaipon na ng milyong-milyong salapi na galing sa kaniyang paghihirap, pinalawak niya pa ang family business nila at ngayon ay marami ng outlets ang kaniyang sikat na food chain store.

7. Heart Evangelista
Heart Evangelista
Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero na mas kilala bilang Heart Evangelista ay kabilang sa clan ng Ongpauco na nagmamay-ari ng successful restaurant chain na Barrio Fiesta. Sinabi rin ni Heart na siya ay nagmamay-ari ng isang branch ng Barrio Fiesta. 

Si Heart ay nadiskubre ng commercial agent noong siya ay nasa mall kasama ang kaniyang kapatid. Siya ay pumirma ng kontrata sa Star Magic Agency na kilala dati bilang Talent Center, siya rin ay kasama sa Star Circle Batch 9. Siya ay may foundation na tinatawag na "Heart Can", ang foundation na tumutulong sa mga bata na may respiratory diseases. Si Heart rin ay isang spokesperson para sa PAWS o Philippine Animal Welfare Society.

8. Richard Yap
Richard Yap
Si Richard Yap ay lumaki sa Cebu City. Ang kaniyang magulang ay involve sa negosyo ng bigas, mais, shipping, at lumber. Siya ay naging malayo sa kaniyang pamilya noong hindi niya sinunod ang kanilang Chinese tradition at nang nag-asawa siya ng isang Filipina. Siya ay isang successful manager ng office furniture company, siya rin ay nagmomodelo bago pa siya pumasok sa mundo ng showbiz. 

Noong 2011 ay nagsimula siya ng kaniyang career sa ABS-CBN, siya ay gumanap bilang Chen Sy na ama ni Kim Chiu sa teleseryeng "My Binondo Girl". Hindi niya inaakala na magkakaroon siya ng mga parangal dahil sa kaniyang role sa teleserye galing sa mga fans.

Noong 2012, siya ay gumanap sa karakter na Henry de Dios sa Walang Hanggan. Simula noong 2012 hanggang 2014 ay gumanap siya bilang lead role sa morning teleserye na "Be Careful With My Heart" kasama ang kaniyang leading lady na si Jodi Sta. Maria.

Nagmamay- ari na ngayon si Richard Yap ng Restaurant chains.

9. Derek Ramsay
Derek Ramsay
Ang hunk actor na ito ay kasali rin sa listahan ng mga ipinanganak na mayayaman na mga artista. Siya ay ipinanganak sa bansang England. Ang kaniyang ama ay isang British at ang kaniyang ina naman ay isang Filipina. Ang kaniyang ama ay dating parte ng security force ng Britain at nagtatrabaho bilang detective-inspector sa Scotland Yard.

Siya ay bumalik sa Pilipinas noong 2000 nang magsimula siya ng career dito. Sa kabila niyan ay nagtayo siya ng kaniyang sariling electonic-security na kumpanya dito sa Pilipinas. Ngayon, ang family business nila ay maganda ang karera at nagmamay-ari rin sila ng maraming ari-arian sa South Luzon.

10. Kris Aquino
Kris Aquino
Halata naman nating isa si Kris Aquino sa mga mayayamang artista dito sa Pilipinas. Kahit na magdesisyon siyang hindi pumasok sa showbiz, mamumuhay pa rin siyang masagana dahil sa yaman ng pamilyang kaniyang pinagmulan. Siya ang isa sa mga anak nina Cory Aquino at Ninoy Aquino. Ang kanilang pamilya ay hindi lang malakas pagdating sa impluwensiya ng pulitika at pakikipagkapwa bagkos sa ekonomiya rin. Sila ay nagmamay-ari ng mga haciendas, at mga real at commercial properties na sapat na upang mabuhay sila hanggang sa mga magiging apo nila. Dumagdag pa sa kanilang kayamanan ang pagiging parte ng kaniyang ina sa Cojuangco clan ng Central Luzon. Ngayon, napakayaman na ni Kris dahil sa kaniyang sariling accomplishments sa buhay. Siya ay kilala sa titulong "Queen of All Media", siya ay kumikita na ng milyong-milyong pera sa kaniyang career ngayon.





Post a Comment

 
Top