0




Hindi natin maipagkakaila na mahirap pagsabayin ang mag-aral at magtrabaho sa showbiz, ngunit sa kabila ng paghihirap na ito, ang ibang celebrity ay maipagmamalaki natin sa kanilang naabot at dahil sa napagtagumpayan nila ang isang hamon ng pagsubok. Sino nga kaya ang sampung Pinoy Celebrities na talented na at nag-eexcel pa rin sa school? Narito ang listahan ng Pinoy Celebrities na matatawag nating 'achievers' pagdating sa school at sa showbiz industry!

Christopher John Alandy-Dy Tiu
1. Chris Tiu
Ang professional Filipino basketball player na si Christopher John Alandy-Dy Tiu na mas kilala bilang Chris Tiu. Kasalukuyan siyang player ng Rain or Shine Elasto Painters sa Philippine Basketball Association (PBA), isa rin siyang TV host, politician at commercial model. Nagtapos siya ng kaniyang pag-aaral bilang Cum Laude with Bachelor of Science degree in Management Engineering sa Ateneo De Manila University. Hindi lang siya magaling sa sports at sa showbiz, magaling rin siya sa pagdating sa school.

Maricar Concepcion Pozon Reyes
2. Maricar Reyes
Si Maricar Reyes ay isang aktres, model at practitioner. Si Maricar Concepcion Pozon Reyes ay ipinanganak na born-again Christian. Nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral sa Ateneo De Manila University at nakakuha ng kaniyang degree na Bachelor of Science in Biology. Pagkatapos ay nag-aral muli si Maricar ng medicine sa University of Santo Tomas Faculty of Medicine and Surgery at sa taong 2008 ay nakapasa siya sa medicine licensure exam.

Carla Angeline Reyes Abellana 
3. Carla Abellana
Si Carla Angeline Reyes Abellana ay mas kilala sa pangalang 'Carla Abellana' bilang isang aktres, model, endorser at TV host. Siya ang gumanap sa role ng Philippine adaption ng top rating na telenovela na Rosalinda, sa kasalukuyan isa siya sa mga in demand actress ng GMA network. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa De la Salle Manila bilang Cum Laude with a Bachelor of Arts degree in Psychology, ito lamang ay nagpapatanunay na isa siyang beauty with brain na aktres.

Maria Elena Paula Peralejo
4. Paula Peralejo
Ang former actress na si Paula Peralejo ay ipinanganak bilang Maria Elena Paula Peralejo, siya ang bunsong kapatid ng aktres na si Rica Peralejo. Kumuha siya ng Bachelor of Arts in Philosophy with a minor in Tourism sa University of the Philippines – Diliman at nakapagtapos bilang Magna Cum Laude.

Georgina Ashely Wilson
5. Georgina Wilson
Ang aktres, host, endorser, VJ at supermodel na si Georgina Ashely Wilson Diaz na mas kilala bilang Georgina Wilson ay nag-aral ng high school sa Assumption College of Makati. Nag-aral rin siya ng BS Economics (Honors Program) sa Ateneo de Manila University. After two years sa Ateneo, lumipat at nakapagtapos siya sa University of Sydney in Australia na kung saan ay nakuha niya ang Bachelor of Commerce degree in Accounting with a double major in Finance.

Giselle Sanchez
6. Giselle Sanchez
Ang komediyanteng si Giselle Sanchez ay kilala sa kaniyang pagiging makulit at nakakatawang imahe sa showbiz. Nag-aral siya ng college sa University of the Philippines – Diliman at nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa kaniyang Bachelor’s degree in Broadcast Communication.

Mimilanie Laurel Marquez
7. Melanie Marquez
Si Mimilanie Laurel Marquez na mas kilala bilang beauty queen na si Melanie Marquez, ay nanalo sa Miss International Pageant noong 1979. Nagtrabaho siya bilang personality development coach, actress, film producer, author, at celebrity endorser. Si Melanie ay nag-aral ng BS Business Administration sa International Academy of Management and Economics na kung saan ay nakapagtapos siya bilang Cum Laude.

Maria Lea Carmen Imutan Salonga
8. Lea Salonga
Ang Broadway star, singer, actress at host na si  Maria Lea Carmen Imutan Salonga na kilala rin sa bilang Lea Salonga ay isa sa mga sikat na Filipino performers internationally. Siya ang gumanap sa lead role na si Kim sa musical play na Miss Saigon na nakatulong sa kaniya na umani ng mga parangal. Nakapagtapos siya ng high school sa O.B. Montessori Center na kung saan ay nakapag-graduate siya bilang isang batch valedictorian. Upang maabot at madevelop ang kaniyang talent sa music, siya ay dumalo sa Philippines College of Music’s Extension program. First year College lamang siya noon sa Ateneo ng mag-auditon siya sa Miss Saigon. Habang nagtatrabaho siya sa New York ay kumuha siya ng dalawang course sa Fordham University’s Lincoln Centerkuha niya ang Bachelor of Commerce degree in Accounting with a double major in Finance.

Nikki Pauline Gil
9. Nikki Gil 
Si Nikki Pauline Gil o Nikki Gil ay isang multi-talented na aktres, singer, host, model at VJ. Siya ang naging batch Valedictorian sa Shekinah Christian Training Center noong March 2005 at nakapagtapos siya ng AB Literature major in English literature sa Ateneo de Manila University.

Maria Margarita Amanda Fteha Isidro
10. Agot Isidro
Si Agot Isidro ay ipinanganak bilang si Maria Margarita Amanda Fteha Isidro, siya ay isang aktres, recording artist at host. Nakuha niya ang Bachelor’s Degree in Interior Design sa University of the Philippines – Diliman. Nakapagtapos rin siya ng kaniyang other degree sa course na Fashion Buying and Merchandising sa Fashion Institute of Technology sa New York bilang Magna Cum Laude.



Post a Comment

 
Top