0




Talaga namang nakakabigla at nakakapanghinayang sa parte natin na malaman na ang mga iniidolo nating mga celebrity couples ay humantong na sa hiwalayan. Ang iba sa kanila ay napagdesisyunang tuluyan nang makipaghiwalay at maging single na lamang ngunit ang iba sa kanila ay nakahanap ng bagong magpapatibok ng kanilang mga puso.

Narito ang listahan ng mga sikat na celebrity couples na nahantong ang pag-iibigan sa hiwalayan:


1. Ciara Sotto and Jojo Oconer
Ciara Sotto and Jojo Oconer
Kinumpirma ng singer at aktres na si Ciara Sotto na umalis siya sa bahay nila ni Jojo Oconer kasama ang kaniyang anak.



Hindi niya naman ipinaalam ang rason kung bakit sila naghiwalay ngunit si Ciara Sotto na anak nina Senator Vicente Sotto III at ng beteranong aktres na si Helen Gamboa ay nagpost sa kaniyang social media accounts tungkol sa infidelity.

Agad namang itinanggi ni Jojo Oconer na siya ay nagkaroon ng relasyon kay Valeen Montenegro.


2. Sunshine Dizon at Timothy Tan
Sunshine Dizon at Timothy Tan
Ang kanilang masayang pagsasama ay nauwi sa mapait na paghihiwalayan noong ini-reveal ni Sunshine Dizon na may affair ang kaniyang asawa na si Timothy Tan sa isang babae na nagngangalang Clarisma Sison.

Batay kay Sunshine, nagsimulang magkalabuan ang kanilang relasyon noong June 2015 ngunit ginawa niya pa rin ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ng asawa para na lamang sa kanilang dalawang anak na si Anton at Doreen.

Sinabi rin niya na sinira ni Timothy at Clarisma Sison ang kaniyang pamilya. Inakusahan niya rin ang dalawang ito na ninakaw ang kaniyang malaking naipon na pera.

“You have shamed your family, you have shamed your children. You will get what you deserve. If you really have balls, face the consequences of your actions.”

Nagfile rin ng kaso ang Kapuso Star kay Timothy Tan  for violating Republic Act 9262, or Anti-Violence Against Women and their Children Act



Matapos ang mga pangyayari, nag public apology naman si Timothy kay Sunshine na inaccept naman ni Sunshine.

Sinabi naman ni Sunshine Dizon na hindi na sila magkakabalikan pa ni Timothy.


3. Tricia Centenera at Gab Valenciano
Tricia Centenera at Gab Valenciano
Ang inaasahan nating fairy tale story nina Tricia Centenera at Gab Valenciano ay nagkaroon ng kakaiba at pangit na ending.

Noong nakaraang September, kinumpirma naman ni Tricia Centenera na sila ay opisyal ng magkahiwalay na ni Gab at ang dahilan daw nito ay third party na nainvolved sa kanilang relasyon.

Ipinahayag naman ni Centenera sa kaniyang post sa twitter na hindi siya ang nagtolerate ng panloloko at nasaktan siya ng sobra ng TV personality na si Gab.

“I just think that I’m too hurt at the moment. And he’s going through a lot. I even feel like he’s going through a career change at the moment.”



Ang dalawa ay nagkaroon ng civil wedding sa US noong nakaraang Oktubre taong 2014 at nagpakasal rin sila sa Pilipinas ng dalawang beses noong Marso ng 2015. Sila naman ay nasa proseso na ng pag-asikaso ng kanilang divorce papers sa US.

Nilinaw rin ni Tricia Centenera na siya ay nananatiling malapit sa mga magulang ni Gab na sina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, siya rin daw ay nagpapasalamat sa mga ito dahil sa patuloy na binibigay nilang suporta kahit na hiwalay na sila ng kanilang anak na si Gab.


4. Bea Alonzo at Zanjoe Marudo
Bea Alonzo at Zanjoe Marudo
Pagkatapos ng kanilang pagsasama na halos apat na taon, ang kinakikiligan nating showbiz couple na sina Bea at Zanjoe ay naghiwalay na ngunit sinabi naman nila na kahit sila ay naghiwalay na sa romantic relationship, sila daw ay nananatiling magkaibigan pa rin.



Sa isang TV interview, kinumpirma naman ni Bea Alonzo na totoong break na sila ni Zanjoe Marudo matapos na naging usap- usapan na malabo na daw ang kanilang relasyon noong taong 2015.

Matapos namang isinapubliko ang kanilang paghihiwalayan, ang dalawa ay nag travel abroad na hindi magkasama. Si Zanjoe ay pumunta sa Paris, si Bea naman ay nagbonding kasama ang kaniyang pamilya sa Japan.

Hanggang ngayon nananatiling single pa rin si Zanjoe subalit nababalita namang nakikipagdate si Bea sa kaniyang ex boyfriend na si Gerald Anderson.


5. Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz
Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz
Halos lahat sa atin ay inaakala na ang kanilang relasyon ay aabot na sa kasalan ngunit sinurpresa ang lahat nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz ng isinapubliko nila na sila ay break na.

Kinumpirma naman ni John Lloyd sa isang interview na siya ay "very much single" habang si Angelica ay indirect na sinagot ang rumors tungkol sa kanila sa pamamagitan ng pag-celebrate ng kaniyang birthday kasama ang kaniyang malalapit na mga kaibigan sa Bali, Indonesia.

Noong nakaraang Mayo taong 2016, sinabi ni Angelica Panganiban na nasa move on stage na siya at sa kabila ng pangyayaring hindi natin inaasahan nananatili pa rin naman daw silang magkaibigan ni John Lloyd.



“Nakita ko yung sarili ko na para bang sobrang down. Kasi hindi ako nago-open sa kaibigan ko, sa pamilya ko. So, nung nakita ko yung sarili ko na ganun, parang, ‘Hoy, girl! Tama na. Nakakaawa ka na. Down na down ka na… bangon," sabi ni Angelica.

Ang kanilang relasyon ay tumagal ng halos tatlong taon.


6. Angel Locsin at Luis Manzano
Angel Locsin at Luis Manzano
Ang aktres na si Angel Locsin ay minamalas sa pag-ibig ngayong taon matapos silang maghiwalay ng aktor at TV host na si Luis Manzano noong 2016.

Nasurpresa naman ang fans ni Angel nang tinawag niyang "ex" si Luis Manzano sa kaniyang Instagram post noong February.

Sinubukan naman nilang dalawa na maayos ang gusot sa kanilang relasyon lalo na noong makatrabaho nila ang isa't isa sa talent show na Pilipinas Got Talent. Ngunit alam naman natin na lahat ng bagay ay magtatapos kung kaya't nauwi rin sila sa hiwalayan.



Nalinked rin noon si Luis sa aktres na si Jessy Mendiola, na nababalitang si Jessy raw ang naging rason ng paghihiwalayan nila ni Angel.



Nilinaw rin ni Jessy at Luis na hindi sila ang naging dahilang kung bakit hindi na si Angel Locsin ang gaganap sa movie adpation na Darna.



Post a Comment

 
Top