0




Nakuha ang atensiyon ng online world ng businessman na si Xian Gaza noong nagpatayo siya ng napakalaking billboard upang yayain lamang si Erich Gonzales na makipagdate at makipagkape kasama siya.

Pagkatapos ng kaniyang ginawa at naging online sensation, ang young CEO na si Xian Gaza ay agad namang nagsalita  ang Davao- based model na si Dewanie Catapang ukol dito, sinabi ni Dewanie na isa daw itong manloloko at ginawa niya lamang ang pakulong iyon upang maging viral sa internet.
Matapos ang pangyayaring iyon, dinepensahan naman ni Xian Gaza ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Facebook account ng kaniyang side ng kuwento at sinabing hindi niya aaakalaing magva-viral iyon at hindi niya kailanman kailangan ang atensiyon ng mga tao sa kaniyang ginawa. Sinabi niya rin na wala siyang balak at intensiyon na itago ang mga nagawa niyang mali sa kaniyang nakaraan.

“My bitter past was never a secret and (I’m) even publicly open about it. Pagkabangon na pagkabangon ko, I entered into a legal settlement to each and every character who became part of those dark chapters of my life,” ipinost niya sa kaniyang account sa Facebook.


Inireveal niya rin na involved siya sa mga legal battles.

“Monthly financial settlements and two (2) judicial court settlements are still on-going up to this day and yup, I'm very open sa lahat ng iyon publicly. If you are after legal, financial and moral damages claims just like the others, you will contact me directly for a personal settlement, send a demand letter through a lawyer/law firm or file a case to the respective City Prosecutors Office or Judicial Courts."


But of course if hindi kayo doon after, eh you will all execute a series of highly organized black propaganda publicly to destroy me and ride with the fame that comes with it. Perfect timing and perfect opportunity na eh."

“I'm not after fame, all I want is a coffee date. From bottom of my heart, thank you so much for the national attention. May God bless us all,” kaniyang tinapos ang post.


Post a Comment

 
Top