0




Karamihan sa atin ay humahanga sa mga artista dahil sa kanilang taglay na talento at sa panlabas na anyo nila o kaya lang natin sila nagugustuhan ay dahil sila ay mga artista. Hinahangaan ko ang mga artista dahil sa kanilang galing sa pag-arte, sa kakayahan nila pagdating sa pagsayaw at pagkanta o kaya ay dahil sa kanilang magandang pagdala ng kanilang sarili sa harap ng kamera. Ngunit, aminin natin na hindi lahat ng artista ay magugustuhan ng publiko dahil sa kanilang pangit na pag-uugali sa harap at likod ng kamera. 

Narito ang listahan ng mga sikat na artista na kinaiinisan ng marami. Kilalanin nyo po kung sino-sino sila at alamin kung ano ang dahilan kung bakit sila kinainisan.

1. Ryan Bang
Ryan Bang
Si Ryan ay isang Koreano, siya ay cute at nakakatawa dahil sa kaniyang pananalita ng tagalog ngunit para sa iba siya ay nakakainis lamang at hindi nila nakikita ang pagka-cute ni Ryan. Marami din daw ang hindi natutuwa sa mga jokes nito.

2. Ellen Adarna
Ellen Adarna
Ang sexy star na ito ay mayroong provocative na imahe dito sa Pilipinas. Habang ang mga kalalakihan ay pinagpapantasyahan siya dahil sa kaniyang pagka-sexy, karamihan naman sa kababaihan ay naiinis sa kaniya.

3. Kris Aquino
Kris Aquino
Marami ang nagagalit kay Kris dahil sa kaniyang walang prenong bibig na hindi niya namamalayan na nakakasakit na siya ng damdamin ng iba. Kinaiinisan rin si Kris sa kaniyang paraan ng pagsasalita dahil para sa iba ay napaka-arte daw nito.

4. Marian Rivera
Marian Rivera
Sa kabila ng kaniyang achievement na pumangalawa sa Sexiest and Most Beautiful in Asia, ang kaniyang pagkakulang sa pagiging 'class' ay kinaiinisan ng mga Filipino. Marami rin ang nainis sa kanya ng kumalat ang kanyang video na kung saan ay makikita ang pagtataray nya sa isang nakasagutan nito.

5. Toni Gonzaga
Toni Gonzaga
Parang naiiba naman ang dahilan kay Toni kung bakit siya kinaiinisan, marami ang naiinis sa kaniyang payat na pangangatawan at sa kaniyang pagsuot ng napakakapal na make-up. Kung hindi dahil sa kaniyang asawang direktor na si Paul Soriano, ang ibang tao ay hindi magbabago ng pagtingin sa kanya, mula sa pagiging hater patungo sa pagiging fan.

6. Jessy Mendiola
Jessy Mendiola
Kilala si Jessy bilang isang sexy actress at ngayon ay kasintahan ng aktor at tv host na si Luis Manzano. Nagsimulang dumami ang haters ni Jessy ng magkahiwalay ang dating magkasintahan na si Luis Manzano at Angel Locsin. Marami kasi ang nagsasabi na si Jessy daw ang dahilan ng paghihiwalay at ito daw ang sumira sa magandang relasyon nila Luis at Angel. Maraming fans ang nasaktan para kay Angel kung kaya't lahat sila ay nagalit din kay Jessy.

7. Vice Ganda
Vice Ganda
Hindi nasisiyahan ang lahat sa paraan ng pagpapatawa ni Vice dahil ang iba sa kaniyang mga jokes na ginagamit ay binubuo ng pang-iinsulto sa isang indibidwal. Ang iba sa miyembro ng LGBT community ay nagbigay ng pahayag na sinisira  daw ni  Vice Ganda ang imahe ng kanilang grupo.

8. Kim Chiu
Kim Chiu
Kinaiinisan si Kim ng karamihan sa madla dahil daw sa kaniyang 'pabebe' attitude. Isa pang dahilan kung bakit maraming naiinis sa kaniya ay dahil sa kaniyang patuloy na pagdedeny na sumailalim siya sa facial surgery na sabi ng iba ay halatang halata naman daw na dumaan siya doon.

9. Nadine Lustre
Nadine Lustre
Sinong mag-aakala na ang napaka-sikat at napaka-gandang si Nadine ay mayroon din palang mga haters. Nagsimula ito ng kumalat ang video niya na kuha ng isang netizen na kumalat sa social media noon. Sa nasabing video ay makikita ang paglapit ng isang fan kay Nadine na napahiya dahil hindi siya pinansin ng aktres. Kita sa video kung paano binalewala ni Nadine ang fan na naging dahilan upang kainisan siya ng iba pang fans.

10. Coco Martin
Coco Martin
Sikat sa kasalukuyan si Coco dahil sa kanyang teleserye at hindi maitatangging maraming tumatangkilik dito. Ngunit sa kabila ng kaniyang kasikatan ngayon ay marami pa rin ang naiinis sa kanya. Isang dahilan kung bakit siya kinaiinisan ay nung mangampanya siya para sa isang kandidato sa pagka-presidente, marami ang nagsabi na todo akting siya sa ginawa niyang pangangampanya at ginamit pa nito ang action star image niya sa kanyang speech kung kaya't marami ang nagsabi na umaarte lang daw siya at niloloko ang mga tao.

Iba-iba ang pananaw at mga dahilan ng publiko kung bakit nila kinaiinisan ang mga artista, ngunit ang iba ay nangingibabaw lamang ang pagkainggit kaya sila nagagalit sa mga artistang ito.

Kung kayo ang tatanungin, sino ang pinaka-nakakainis na artsita para sa inyo?





Post a Comment

 
Top