0




Imposible sa buong buhay natin na ipanganak tayo na automatic na magkaroon at makahawak tayo ng bundle of cash na abot sa milyong piso ang halaga. Ngunit, kakaiba naman ang takbo ng storya ng mga batang ito na anak ng mga artista dahil sila ay milyonaryo na simula noong ipinanganak sila. Paano nga kaya sila naging maswerte? 

Ngunit iba ito sa inyong pagkakaalam at paniniwala, hindi sila tulad ng mga tagapagmana ng mga kaharian o palasyo bagkos sila ay mga anak ng Filipino celebrities at TV personalities na isa sa mga nagbigay rason kung bakit sila naging instant mayaman at sikat.

1. Mavy at Cassy Legaspi
Mavy at Cassy Legaspi
Sila ang kambal na anak ng mag-asawang artista na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Sila ay makikita sa mga TV commercials at print ads.

2. Maria Letizia Dantes
Maria Letizia Dantes
Ang super cute na batang ito ay anak ng Kapuso artists na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sa isang interview, nabanggit ni Marian na ang talent fee daw ng anak nila na si Letizia ay mas mataas pa daw kung ikukumpara sa kaniya at kay Dingdong. Talaga namang nakakahanga ang batang ito.

3. Scarlet Snow Belo
Scarlet Snow Belo
Si Scarlet ay ang adorable baby ng dalawang celebrity doctors na sina Vicky Belo at Hayden Kho. Ayon sa Forbes Philippines, si Vicky Belo ay ang isa sa mga pinakamayaman na babae sa ating bansa ngayon. Kaya alam na natin kung gaano nga ba kayaman ang cute baby na ito.

4. Israel, Emmanuel, Queen Elizabeth, Michael at Mary Divine Grace (Pacquiao Kids)
Israel, Emmanuel, Queen Elizabeth, Michael at Mary Divine Grace (Pacquiao Kids)
Sila ang limang anak ng politician at boxing champ na si Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

5. Bimby Yap at Joshua Aquino
Bimby Yap at Joshua Aquino
Sila ang anak ng "Queen Of All Media" na si Kris Aquino. Si Kris ay ang isa sa mga nagbabayad ng napakalaking tax sa ating bansa at nakakaipon rin ng milyon-milyong pera galing sa kaniyang sariling endorsements.

6. Frankie, Miel and Miguel
Frankie, Miel and Miguel
Sila ang mga anak ng singer at aktres na si Sharon Cuneta at ang senador na si Kiko Pangilinan.

7. Kendra, Scarlet at Gavin
Kendra, Scarlet at Gavin
Sila ang mga anak ng PBA player na si Douglas Kramer at ni Cheska Garcia. Kapag magkakasama silang lahat ay tinatawag silang "Team Kramer." Masasabi nating nagtagumpay sa buhay sina Doug at Cheska dahil mayroon silang adorable na pamilya na isa sa mga in demand na endorser sa ating bansa.

8. Juliana Gomez
Juliana Gomez
Ngayon siya ay dalaga na. Siya ang magandang anak nina Lucy Torres at Richard Gomez.

9. Atasha at Andres Muhlach
Atasha at Andres Muhlach
Sila ang kambal na anak ng beauty queen na si Charlene Gonzales at former movie idol na si Aga Muhlach.

10. Nate Alcasid o Nathaniel James
Nate Alcasid o Nathaniel James
Ang kaniyang mga magulang ay parehong singer na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

11. Zion
Zion

Siya ang natatanging anak ng bagong Kapamilya actor na si Richard Gutierez at ng celebrity mom na si Sarah Lahbati. Ang pamilyang Gutierez na ito ay ang isa sa mga sikat na sikat na pamilya sa entertainment industry. Napakaswerte naman ni Zion!

12. Lorin at Venice
Lorin at Venice

Sila ang naggagandahang anak ng aktres at beauty Queen na si Ruffa Gutierrez at ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas..

Ano ang masasabi niyo sa mga batang ito?
Nakakaramdam ba kayo ng kaunting inggit sa kanilang buhay?
Share your thoughts at opinions tungkol dito sa comment box.



Post a Comment

 
Top