0




Narito ang listahan ng mga Pinay celebrities na itinuturing na pinakamaganda sa ating bansa ngayong 2017. Ang mga local celebrities na ito ay ang nagpatunay na ang mga Filipina ay ang isa sa mga pinaka-hot at pinakamagandang babae sa buong mundo. Basahin niyo kung sino-sino silang nakasama sa listahan na ito.

Ang mga Filipina ay kilala sa buong mundo bilang maganda ang kalooban at naturally sweet, iyan ay iilan lamang sa mga katangian na gustong-gusto ng mga kalalakihan sa isang babae kaya na lamang ay madali silang magkagusto sa mga Filipina. Ang mga Filipina rin ay maalaga, magiliw, family-oriented at kilala rin sa pagiging matalino.

Ang kanilang magagandang katangian at mga kahanga-hangang ugali ay nakakadagdag pa ng puntos para sa kanilang natatanging ganda kaya ang mga Filipina ay ang isa sa mga pinakamagandang babae sa buong mundo. Kaya na lamang ay hindi natin maipagkakaila na ang ating bansa ay ang isa sa mga best producers ng large-scale pageant title-holders sa buong mundo, ang ating mga local celebrities ay ang perpektong halimbawa sa depinisyon ng tunay na kagandahan at pagiging unique sa bawat isa. 

Sa kasalukuyan ngayong taon, ang kapuso star na si Marian Rivera ay nakapasok sa listahan ng "Hottest and Most Beautiful Women in Asia" at siya ay pumangalawa dito. Si Liza Soberano naman ay kinilala bilang ikalawa sa listahan ng World's 100 Most Beautiful Faces in 2016, kasama niya rin ang "teen queen" na si Kathryn Bernardo na nakuha naman ang spot na number 69. Noong 2014, si Kathryn ay panglima sa Top 10 Hottest Nations in the World na nanggaling sa listahan ng FHM U.K. Di ba nakakaproud bilang isang Filipino?

Tingnan natin ang listahan ng mga kababaihan na artista na nanggaling sa Philippine entertainment industry na nagpatunay na ang mga Filipina ay natural na magaganda at kahanga- hanga:

1. Bea Alonzo
Bea Alonzo
Ang kaniyang tunay na pangalan ay Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom, ngunit mas kilala siya sa kaniyang screen name na Bea Alonzo. Siya ay isang British-Filipino film at television actress, host at singer. Kasalukuyan siyang parte ng ABS-CBN contract talents.

2. Marian Rivera
Marian Rivera
Si Marian Rivera Gracia-Dantes ay mas kilala sa pangalang Marian Rivera, siya ay isang Spanish-Filipino commercial model at aktres. Sumikat siya at nakilala dahil sa kaniyang roles sa "Dyesebel", "Marimar", "Amaya", at "Temptation of Wife". Siya ay happily married na sa kapuso aktor na si Dingdong Dantes at sila ay may isa ng anak.

3. Kristine Hermosa
Kristine Hermosa
Siya na ngayon si Kristine Hermosa Sotto. Katulad rin ni Marian siya ay isang Spanish-Filipina actress. Siya ay kilala sa kaniyang role na Ynamorata "Yna" Macaspac sa prime time drama series na "Pangako Sa 'Yo".

4. Janella Salvador
Janella Salvador
Si Janella Maxine Desiderio Salvador ay isang Filipino actress, singer, at brand ambassador. Siya ay nakilala sa kaniyang role na Nikki Grace Lim sa teleserye ng ABS-CBN na "Be Careful With My Heart". Siya ang anak nina Juan Miguel Salvador at Jenine Desiderio. Siya ay kaloveteam ngayon ni Elmo Magalona.

5. Angel Locsin
Angel Locsin
Si Angel ay isang Filipina television at film actress, commercial model, film producer at Fashion designer. Isa siya sa mga napakagaling at hinahangaan na aktres sa industriya ng Pinoy showbiz.

6. Anne Curtis
Anne Curtis
Si Anne Ojales Curtis-Smith na kilala rin bilang Anne Curtis-Smith o kaya ay Anne Curtis ay isang Filipino-Australian actress, television host, recording artist, VJ in the Philippines at model. Siya ang fiancee ng modelo na si Erwan Eussaff.

7. Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo
Si Kathryn ay isang Filipina actress. Nakilala siya ng sambayanan ng bumida siya bilang Mara sa Filipino drama na "Mara Clara" kasama niya doon si Julia Montes. Siya ay hinirang na "Teen Queen." Kasalukuyan niyang kaloveteam ang nag- iisang "Teen King" na si Daniel Padilla.

8. Jasmine Curtis
Jasmine Curtis
Si Jasmine ay isang Filipino-Australian actress, dancer, endorser, writer at TV host. Siya ay ang kapatid ng noontime show host ng "It's Showtime" na si Anne Curtis.

9. Angelica Panganiban
Angelica Panganiban
Siya si Angelica Charlson, na kilala professionally bilang si Angelica Panganiban. Si Angelica ay isang Filipino film at television actress. Napapanood natin siya sa weekly comedy show na "Banana Sundae".

10. Liza Soberano
Liza Soberano
Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress at commercial model. Kasulukuyan niyang kaloveteam ngayon ang "King of the Gil" na si Enrique. Kilalang- kilala siya sa buong bansa natin dahil bukod sa kaniyang pagiging mahusay na aktres siya rin ay tinuturing na isa sa mga pinakamagandang aktres sa ating bansa. Marami na rin siyang napatunayan at naiuwing parangal sa larangan ng pag-arte.

Sang-ayon ka ba sa listahang ito?
May kilala ka pa bang ibang Filipina na dapat ay kasali dito?



Post a Comment

 
Top