0




Marami sa mga artista ay sikat na sikat sa kanilang mga ginagamit na screen names sa entertainment industry, nakasanayan na natin silang tawagin sa kanilang sikat na pangalan sa showbiz. Halos lahat sa atin, mapabata man o kaya ay matanda, ay kilala at alam kung ano ang mga pangalan ng mga artista dahil sa kanilang kasikatan. Ang mga artista ay mapapanood natin sa mga pelikula, sa mga teleserye ng TV at pati na rin sa mga commercials ng iba't ibang produkto. Sobra ang naging kasikatan nila kaya naman ay napakadali na sa atin na matandaan kung sino sila at masambit ang kanilang mga maiikling screen names na ginagamit.

Ngunit alam niyo ba na karamihan sa mga celebrities ngayon ay hindi ginagamit ang kanilang sariling mga pangalan? Alamin natin dito kung ano ang mga tunay na pangalan ng mga paborito at iniidolo nating artista.

1. Bea Alonzo
Bea Alonzo
Ang hinahangaan nating artista at TV host na si Bea Alonzo ay ipinanganak bilang si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom. Siya ay kinilala bilang “This Generation’s Movie Queen." Si Bea ay ipinanganak dito sa Pilipinas, ang kaniyang ina ay isang Filipino samantalang ang kaniyang ama naman ay isang British.

2. Vice Ganda
Vice Ganda
Ang tunay na pangalan sa totoong buhay ni Vice Ganda ay Jose Marie Borja Viceral. Siya ay isang magaling na aktor, komediyante at TV host. Siya ay nagmula sa bayan ng Tondo. Bago niya nakamit ang kasikatan na nararanasan niya ngayon at bago natin siya mapanood sa ating mga TV, siya muna ay matiyagang nagtrabaho sa mga comedy bars upang magpatawa sa mga manonood.

3. Heart Evangelista - Escudero
Heart Evangelista - Escudero
Si Heart Evangelista ay kilala sa kaniyang tunay na pangalan na Love Marie Payawal Ongpauco - Escudero. Siya ay isang magaling na aktres, model, TV host at VJ, painter. Siya ay anak ng mayamang negosyante. Napang-asawa niya ang senador na si Chiz Escudero at nagpakasal sila  sa Balesin Island.

4. Coco Martin
Coco Martin
Siya ay kilala sa titulong "Prince of Philippine Independent Films". Mapapanood natin siya sa kaniyang teleserye na "Ang Probinsiyano". Ang pangalan ni Coco Martin ay galing sa pangalan ng kaniyang mga talent managers na sina Coco Rocha at Ricky Martin. Ngunit sa kaniyang totoong buhay, ang tunay niyang pangalan ay Rodel Luis Nancianceno. Siya ay nagmula sa Novaliches, Quezon City.

5. Erich Gonzales
Erich Gonzales
Si Erich Gonzales ay ang grand winner ng Star Circle Quest. Ang kaniyang tunay na pangalan ay Erika Chryselle Gonzales Gancayco. Siya ay ipinanganak sa lungsod ng Cebu ngunit siya ay namuhay at  lumaki sa Davao City. Si Erich ay marami nang nagawang pelikula sa loob at labas ng ating bansa.

6. Piolo Pascual
Piolo Pascual
Piolo Jose Nonato Pascual ang kaniyang tunay na pangalan, lahat sa atin ay kilala siya bilang si Piolo Pascual. Siya ay isang talented na aktor, musician, model at producer. Si Piolo ay Filipino at may halong lahi ng Spanish at German. Siya ay isang ER representative sa US dati, bago siya bumalik ng Pilipinas upang tahakin ang kaniyang landas sa ngalan ng pag- aarte.

7. Sam Milby
Sam Milby
Si Samuel Llyod Lacia Milby ay mas kilala sa kaniyang screen name na Sam Milby sa mundo ng entertainment. Si Sam ay isang Filipino - American, siya ay sumikat matapos siyang sumali sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother noong 2005. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Ohio bago siya napunta sa spotlight ng kasikatan sa Pilipinas.

8. Kristine Hermosa - Sotto
Kristine Hermosa - Sotto
Si Kristine Hermosa ay ipinanganak sa pangalan na Anne Kirsten Esmeralde Hermosa Orille. Si Kristine ang panganay sa apat na magkakapatid. Ang kaniyang ama ay isang Filipino at ang kaniyang ina naman ay half Filipina at half Spanish. Siya ay nadiskubre bilang artista noong nag-audition ang kaniyang kapatid sa show ng ABS-CBN, na isa sa mga sikat at malalaking TV networks sa bansa.

9. Dawn Zulueta
Dawn Zulueta
Bago si Dawn Zulueta pumasok sa entertainment industry, siya ay kilala bilang si Marie Rachel Salman Taleon. Ang kaniyang ama ay nagmula sa Betlehem. Siya ay nagsimula bilang commercial model sa isang toothpaste brand. Nanatili pa rin si Dawn hanggang ngayon sa industriya ng showbiz.

10. Vhong Navarro
Vhong Navarro
Siya ay ipinanganak sa pangalan na Ferdinand Hipolito Navarro. Si Vhong Navarro ay isang aktor, komediyante, dancer at TV host. Sumikat siya dahil isa siya sa mga miyembro ng Filipino dance group na Streetboys. Siya ay nadiskubre ng isang magaling na local director. Kasalukuyan siyang parte ng noon time TV show na "It's Showtime".

Ang kanilang mga tunay na pangalan sa totoong buhay ay hindi gaanong mahalaga sa entertainment industry, bagkos ang kanilang mga ginagamit na screen names ay ang nakatulong sa kanila upang maabot nila ang narating nila ngayon.



Post a Comment

 
Top