0




Tulad ng ating political landscape sa Pilipinas, ang mundo ng Pinoy Showbiz ay punong- puno ng family clans na pinagpapasa- pasahan lamang ng henerasyon. Ang pamilya ng Padilla at Gutierrez ay malayo- layo na ang narating at marami ng napatunayan sa mundo ng showbiz, simula pa noong '50s marami na sa kanilang sumusuporta at hindi natin mapagkakaila na hanggang ngayon ay marami pa ring tumatangkilik sa kanila. 

Mula sa mga bagong mukha ng industriya ng showbiz at pagmomodelo, nagsagawa ng pananaliksik ang isang website na ang tanging layunin nito ay bigyan ng pansin at makilala ang mga anak ng Pinoy celebrities na artistahin rin.

1. Kaila Estrada
Celebrity Parents: John Estrada at Janice de Belen 

Habang ang kaniyang nakababatang kapatid na si Inah Estrada ay tinatahak ang mundo ng showbiz, si Kaila naman ay nagsisimulang gumawa ng marka sa larangan ng fashion. Ang 20 anyos na si Kaila (modelo sa ilalim ng Mercator Models) ay ang isa sa mga endorser ng SM Youth, Sunnies Studios, Belo Baby at marami pang iba. Siya rin ay nag- aaral ng Arts Management sa De La Salle - College of Saint Benilde. Sa kanyang taglay na kagandahan, hindi mapagkakailang marami ang humahanga sa kanya kahit wala siya sa showbiz.

2. Michelle Dee

Celebrity Parents: Derek Dee at Melanie Marquez

Siya ay lumaking mayroong very fashionable genes na nagmula sa kaniyang supermodel at beauty queen mom na si Melani Marquez. Ang kaniyang career ay nagsimula noong pumirma siya ng kontrata sa Bench pagkatapos niyang manood ng fashion show kasama ang kaniyang ina na si Melanie. Sa ngayon, ang 21 year- old na dalaga ay marami nang napatunayan sa kaniyang glossy magazine covers at ad campaigns.

3. Sabina de Leon Gonzales

Celebrity Parents: Mon Gonzales at Tweetie de Leon 

Ang fashion ay nanalaytay sa dugo ng model na si Sabina. Sa edad na 19, si Sabina ay naging isang instant pro sa kaniyang unang runaway show na dinaluhan, doon ibinida ang mga disenyo ng fashion designer na si Maureen Disini noong 2015. Pagkalipas ng isang taon, siya ay naging parte ng pagbubukas ng Happy Skin and Plains & Prints collaboration. Ngayon, lagi siyang dumadalo sa mga activity ng modelling gigs, sa kabila nito siya rin ay nag- aaral ng Architecture.

4. Angelina Montano

Celebrity Parents: Cesar Montano at Sunshine Cruz 

Kamukhang kamuka ni Angelina ang kaniyang ina na si Sunshine Cruz dahil pareho silang maganda. Siya ay 14 years old lamang ngunit sa edad niyang ito ay patok na patok na siya sa social media. Noong 2016, siya ay nagsimula ang kaniyang journey sa showbiz with Careline endorsement deal. Siya rin ay nakikita at napapanood natin sa weekly noon time show na ASAP. Pumirma siya recently ng contract sa Universal Records at ALV Talents kaya asahan nating patuloy siyang kakarera sa mundo ng showbiz.

5. Claudia Barretto

Celebrity Parents: Dennis Padilla at Marjorie Barretto

Hindi na bago sa atin ang apelyidong Barretto sa loob at labas ng showbiz. Siya ang pinakabagong miyembro ng Barretto na papasok sa showbiz, siya ay 16 years old lamang. Si Claudia rin ang nakababatang kapatid nina Julia at Dani Barretto. Marami ang nagsasabi na siya na ang susunod na magiging big star. Pumirma siya ng contract sa Universal Records at siya rin ay kasama sa Bench's 2016 holiday campaign.

6. Danica Magpantay

Celebrity Parents: Pogs Magpantay at Lala Flores

Noong 1990, ang kilalang makeup artist na si Lala Flores ay sumikat sa industriya ng pagmomodelo matapos siyang sumali at manalo sa Supermodel of the Philippines award. Pagkaraan ng 20 taon, ang kaniyang anak na si Danica ay ang naging unang Filipina na nanalo sa Supermodel of the World. Sa ngayon naka- based si Danica sa New York, siya rin ay nagsign ng contract sa Ford Models, bumida at rumampa sa Sephora, Nanette Lepore, Target at iba pa.

7. Gabs Gibbs

Celebrity Parents: Janno Gibbs at Bing Loyzaga

Kabaliktaran ng kaniyang sikat na mga magulang, Tinahak ni Gabs Gibbs ang kaniyang journey sa mundo pagma-make up. Kahit na isa siyang mag- aaral ng graphics design, siya rin ay isang talented makeup artist at Youtube Vlogger. Ang isa sa kaniyang makeup tutorials na nagfeatured sa mga amazing makeup transformations ay naging viral sa buong mundo. Ang kaniyang nakababatang kapatid na si Alyssa ay co-founder ng homegrown clothing store sa Neon Island.

8. Maria Angelica de Leon

Celebrity Parents: Christopher de Leon at Sandy Andolong 

Noong 2013, si Angelica ay 19 years old pa lamang, siya ay naging isa sa mga contender ng Binibining Pilipinas ngunit hindi siya ang mapalad na nanalo dito. Kahit hindi siya nanalo, siya ay talent naman ng under Viva Artist Agency. Maybe tahakin niya ang pag aartista tulad ng kaniyang superstar parents.

9. Kiana Valenciano

Celebrity Parents: Gary Valenciano at Angeli Pangilinan

Hindi nakakabigla sa atin na ang anak ng Pure Energy na si Gary Valenciano ay isa ring talented katulad niya. Sa edad na 24, she launched her music career noong 2016. Siya ay nag- aaral sa Raffles Design Institute and Central Saint Martins sa London, tinatahak niya ang larangan ng fashion.

10. Leila Alcasid

Celebrity Parents: Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren 

Noong nakaraang July taong 2016, ang 18- year- old na si Leila Alcasid ay naging headline ng Internet dahil sa usap- usapang kamukha at may hawig siya sa singer na si Selena Gomez. Si Leila ay lumaki sa Australia kasama ang kaniyang ina ngunit batay sa recent Instagram post, sinabi niya sa publiko na siya ay lilipat na ng Manila ng January 2017. Ngayon ay pormal na siyang pumasok sa mundo ng showbiz.



Post a Comment

 
Top