0




Karamihan sa mga Pinoy celebrity ngayon ay nakilala at sumikat dahil sa kanilang angking kagandahan o kagwapuhan, pagkakaroon ng perpektong katangian ng isang tao at pati na rin ang pagkakaroon nila ng magandang hugis ng pangangatawan. Ngunit hindi lahat sa kanila ay kapansin- pansin ang itsura noong hindi pa sila sikat. Ang iba naman sa kanila ay natural ang kagandahang taglay sabi nga ng iba sila ay: "hit by the puberty quite hard," ang iba naman sa kanila ay inamin na sila ay sumailalim sa mga surgeries upang  ma-achieve ang look na gusto nila.

Ito ang listahan ng mga Pinoy Celebrities na nagkaroon ng napakalaking transformation matapos silang sumikat:

1. Georgina Wilson

Sino bang mag- aakala at maniniwala na ang it-girl at former judge ng Asia's Next Top Model na si Georgina Wilson ay chubby noong bata pa siya. Sa isa sa kaniyang mga Instagram posts, sinabi niya na very thankful siya kasi nagdalaga at nagbago siya. 



Si Georgina rin ay isa sa mga sexiest celebrity sa ating bansa. Ngayon, siya ay namumuhay ng masaya kasama ang kaniyang asawang British at kaniyang kaisa- isang anak na lalake.

2. Rhian Ramos


Ang aktres na bumida sa pelikulang "Saving Sally" na si Rhian Ramos ay katulad at parehong pareho kay Georgina Wilson. Si Rhian ay 150 pounds na kabigat noong na sa elementarya pa lamang siya at hindi rin yon kinoconsider na normal sa kaniyang edad na 8 years old lang.



Ngunit ngayon, siya ay nasa listahan ng isa sa mga pinakasexy sa Pilipinas. Siya rin ay na ibida na sa iba't ibang magazines tulad ng FHM at Explore.

3. Vice Ganda


Hindi natin maipagkakaila na ang naging transformation ni Vice Ganda ay ang isa sa mga most iconic transformations. Ang komediyanteng si Vice ay hindi ikinakahiya at proud na proud pa nga sa kaniyang itsura noong kabataan niya pa. 



Pero inamin niya naman na dumaan at sumailalaim siya sa napakaraming plastic surgery sa Belo Medical Group.

4. Kim Chiu


Bilang isang Big winner ng kauna- unahang Pinoy Big Brother Teen Edition, malaki ang ipinagbago ni Kim Chiu noong magsimula na ang kaniyang showbiz career. 



Marami ang natatanggap niyang akusasyon galing sa mga netizens na siya daw ay sumailalim sa mga surgery at ipinaretoke daw nito ang kaniyang ilong ngunit itinanggi naman ni Kim ang lahat ng ito, sinabi niya rin na ang transformation na pinagdaanan niy ay dahil sa tamang health care at prosthetics lamang.

5. Rustom Padilla o Bb Gandanghari


Nasurpresa ang buong Pilipinas noong umamin na isang binabae si Rustom Padilla dahil isa siya sa mga hottest action star at tinitilian ng mga kababaihan sa ating bansa noong early 90's. Siya ay umamin sa isa sa mga episodes ng Pinoy Big Brother. Si Rustom ay pinuna ng karamihan dahil isa siyang miyembro ng Padilla. 



Ang pamilyang Padilla ay kilalang kilala dahil sa kanilang pagiging astigin at pagkakaroon ng strong personality. Si Rustom Padilla ay nagpaalam na sa kaniyang pagiging lalake noong nakaraang taon, sa ngayon siya na ay isang proud transgender woman at kilala na siya sa pangalang Bb Gandanghari.

6. Sandara Park


Si Sandara ay former member ng girl group na 2ne1, siya ay nagsimula ng kaniyang career noong sumali siya sa ABS-CBN's reality- based talent competition na Star Circle Quest. Siya ay naging sikat noong naging miyembro siya sa isang pinakasikat na girl group sa bansang Korea na 2ne1. 



Malaki talaga ang ipinagbago ni Sandara. Noong una pa lamang ay napakaganda niya na kaya hindi nakakapagtaka na lalo siyang gumanda at nagkaroon ng malakas na appeal ngayon.

7. Sarah Geronimo


Karamihan sa atin ay nagsasabing napakaganda ni Sarah Geronimo at talented pa raw ito. Marami rin ang nagsasabi na sobrang blessed at ang swerte daw ni Sarah pagdating sa kaniyang looks at facial features.



8. Erwan Heussaff


Si Erwan Heussaff ang fiancee ng sexy actress na si Anne Curtis at siya rin ang kapatid ng it- girl na si Solenn Heussaff. Siya ay kilala sa pagkakaroon ng athletic features at healthy lifestyle. Pero naniniwala ba kayo na siya ay 240 pounds noong 19 years old pa lamang siya? 



Nakakabigla ang pagtransform niya, tama naman ang ginawa niyang desisyon na magpapayat dahil ito naman ay para sa kaniyang sariling kapakanan at kalusugan, at advantage niya na rin ang pagiging fit sa kaniyang career.

9. Liza Soberano


Ang aktres na si Liza Soberano ay kilala bilang isa sa mga pinakamagandang aktres mapa- local man o international. Ang kaniyang transformation ay isang patunay kung gaano at hanggang saan kaya ng puberty na bumago o magtransform ng isang nilalang na katulad niya. 



Noon, siya ay napakasimpleng kabataan na sumasali sali lamang sa mga barangay beauty pageants pero ngayon napagdesisyunan niyang sumali sa showbiz at nakuha niya rin ang spotlight ng kasikatan. Siya ay hinahangaan nina Charlie Puth, lahat ng miyembro ng The Vamps at iba pa. Siya rin ay finollow ng mga ito sa kaniyang social media accounts.

10. Toni Gonzaga


Ang aktres at TV host na si Toni Gonzaga ay dumaan sa major transformation. Sino ba ang mag-aakala na ang kaniyang 20 year old look ay isa sa mga napakagandang mukha ng showbiz industry dito sa Pilipinas? 



Nakuha niya ang titulo ng isa sa mga most admired faces in showbiz.



Post a Comment

 
Top