0
Nakaalis na ngayon mula sa Russia si Pangulong Rodrigo Duterte at pabalik na ng Pilipinas para pangasiwaan ang pagpapatupad ng naideklarang Martial Law sa buong Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute group.

Bago umalis ang Pangulo Duterte, nagkaroon sila ng mabilisang bilateral meeting ni Russian Federation President Vladimir Putin na nagpahayag ng pag-unawa sa desisyon ng pangulo.

Siniguro naman ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na tuloy ang paglagda sa mga agreements kasama ang kanyang Russian counterparts.



Nagpaiwan si Sec. Cayetano habang nauna ng babalik ng Pilipinas si Pangulong Duterte para tutukan ang sitwasyon sa Mindanao.

Nauunawaan naman daw ng Russian counterparts ang desisyon ng pangulo at suportado daw nila ang kanyang hakbang para maresolba ang terorismo lalo na sa Marawi City.

“I have spoken to our — to my counterpart here in Moscow and have explained the situation and they understand that the security of the Filipino people especially in Marawi and the whole Mindanao is a priority. They understand that the presence of the President — of President Duterte is essential in the Philippines but I will be staying behind. The agreements will be signed and we will have a bilateral meeting with the Honorable Minister of Foreign Affairs Lavrov,” sabi ni Cayetano.

Nauna rito, nag-anunsyo kagabi mismo si Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa Martial Law declaration sa Mindanao.

“The President has called me and asked me to announce that as of 10 p.m. Manila time, he has already declared Martial Law for the entire island of Mindanao. SDES Guevarra has clarified that this was possible on the grounds of existence of rebellion because of what is happening in Mindanao based on Article 7, Section 18 of the Constitution. This is good for 60 days. I am going to defer now to Secretary Del Lorenzana, Secretary of National Defense, to give us a backgrounder and then to Secretary Alan Cayetano of the Department of Foreign Affairs..”.


Post a Comment

 
Top